Dear Sellers,
Good Day. I am writing you to gather information and show support sa kumpanyang Seataoo. Ang form na ito ay walang kinalaman ang SEATAOO. Walang nag-utos sa akin, Walang nakipag-usap sa akin. Ito ay personal na idea upang mangalap ng mga suporta sa mga legitimate Sellers.

Ang layunin ko po dito ay magkaroon ng Sapat na bilang ng mga Sellers na naniniwala, at nagtitiwala sa SEATAOO. Ipaparating ko po sa SEC ang mga suporta ninyo para malaman at alamin ang mga bagay na dapat gawin ng SEATAOO upang payagan silang mag-operate muli at ibalik sa dati ang operasyon.

Makikiusap tayo sa SEC na sabihin sa atin ang mga bagay or requirements na dapat ng SEATAOO. Kapag nalaman natin ang mga requirements ng SEC ay ipapa-alam natin sa SEATAOO ang mga yun at tutulungan natin ang SEATAOO na ihanda ang mga requirements para mas maging legit at tama ang pagbabalik ng SEATAOO.

HINDI pa po sarado ang SEATAOO. Hindi papo ipinapasara ng SEC ang SEATAOO kundi marahil ay naghihintay lamang ang SEC ng mga tamang dokumento mula sa SEATAOO bago i-lift ang Revocation Order.

Huwag po nating isipin na one-sided ang SEC, bagkus ay dapat nating alamin ang mga bagay-bagay  kaugnay ng tama at naayong business registration.