Supreme Court pinigilan ang Kongreso na ilipat ang pondo ng Philhealth sa National Treasury
Kumilos na ang Supreme Court sa pamamagitan ng paglalabas ng TRO (Temporary Restraining Order) upang pigilan ang Kongreso sa kanilang ginagawang paglilipat ng pondo ng Philhealth sa National Treasury para magamit sa unprogrammed projects.
Ang tanong ko dito, bakit ililipat sa National Treasury ang pondo ng Philhealth gayong wala naman pala kayong paggagamitan ng pera sa ngayon. Gusto lamang ninyong itago o itabi ang pera upang may magamit kayong pondo sa darating na halalan. Bakit ninyo paglalaanan ng budget ang Unprogrammed Budget? Ano ba ang mga unprogrammed budget na yan?
Dahil ba alam ninyong malakas ang magiging laban ng mga Duterte sa Election kaya ngayon palang ay talagang pursigido na kayong manguha ng pera sa kaban ng bayan upang pagdating ng election ay may pondo kayong magagamit. Grabe ang ginagawa ninyong ito sa Bayan mga hinayupak kayong mga Congressmen (Not ALL).
Kaya pala hindi ninyo tinitigilan ang Office of the Vice President sa kanyang Confidential Fund na alam ninyong mali ang ginagawa ninyo ay sigi pa rin kayo sa pag-iimbinta ng mga tao sa opisina ng Office of the Vice President para maging sensational ang Confidential Fund at manatiling maging maingay. Sabagay kung maingay ang usapin ng confidental fund ay matatabunan ang ginagawa ninyong pagnanakaw sa pera ng Bayan. Sa Pera ng taong-bayan.