ANG PAGPILI
Alam kong marami ang magagalit sa akin, pero kailangan nating isipin na ang isang MALI ay mananatiling MALI kahit na may maganda itong naidulot o naibigay sa atin. Dahil ito ang nararapat at ito ang naayon sa ating Batas. Taliwas man sa ating paniniwala ay wala tayong magagawa dahil sa hindi naman ito ang dapat talagang mangyari.
Halimbawa na lamang ng lugar ng Bamban Tarlac, mula ng maupo bilang Mayor si Alice Guo naging maunlad ang lugar, gumanda ang paligid nito at naging masaya ang marami. Napagbuklod ni Alice Guo ang mga kababayan nito sa Bamban Tarlac. Hanggang sa ngayon ay hindi nila makakalimutan ang magagandang ala-ala ni Mayor Alice Guo. Mahal na Mahal ng maraming mga kababayan ang alkalde. Wala po tayong kwestyon doon dahil ganoon naman ang lider na hinahanap natin. Yung Lider na nakikisalamuha sa mga tao.
Sa usapin ng SEATAOO, minahal natin ito dahil sa malaking opportunity na binibigay sa maraming kababayan. Mga OFWs na nagkaroon ng PAG-ASANG aahon sa kahirapan at nag-desisyon ng hindi umalis ng bansa o hindi na muling babalik sa malayong lugar upang magtrabaho. Masaya ang maraming mga Sellers at lahat ng Sellers dahil sa smooth transactions pagdating sa withdrawals.
PAREHONG minahal ng mga TAO si Mayor GUO at ang SEATAOO. Ngayon ay mga tao ang nakikipaglaban para sa kanila. Naninimbang tayo ngayon kung ano nga ba ang dapat nating gawin o kanino tayo kakampi.
TANONG NG MARAMI
- Kakampihan at Ipaglalaban Ba Natin si Mayor Alice Guo?
- Kakampihan at Ipaglalaban Ba Natin ang SEATAOO?
ANO ANG MAS MATIMBANG
Ipagtatangol mo ba ang kumpanyang nagbigay ng malaking pag-asa sa Maraming mga Pilipino? Paano kung ang kumpanyang ito ay ilegal na nag-ooperate sa Bansa na sa ngayon ay mahigpit na binabantayan ng Bansa lalo na ng SENADO ang mga ganitong uri ng Negosyo.
Iginigiit ng kampo nina Senator Risa Hontiveros, Congresswoman Jinky “Bitrics” Luistro ang pagpapasara at pagtigil ng mga ilegal na sugal na tinawag na “POGO”. Sa kasalukuyan ay higit 40,000 ng mga mamamayang Pilipino ang nawalan ng mga trabaho dahil sa pagwasak sa ilang POGO Operation. Ilang bilyong halaga na ang napunta at nakuha ng Gobyerno mula sa mga ASSETS ni Mayor Guo at ng POGO Operations. Saan mapupunta ang mga perang ito? Taong-bayan ba ang makikinabang o ang mga corrupt na opisyal ng pamahalaan?
Sa kabilang banda, nanindigan ang grupo ni dating SPOKESPERSON ATTY. HARRY ROQUE na legal ang Operasyon ng POGO na nangungupahan sa kanyang pag-aari kung saan ay nandoon ang mga sinasabing ilegal POGO operations.
SAAN KA PAPANIG? ANO ANG IPAGLALABAN MO?
Sa nakakatulong ng Malaki? o doon sa Legal?
Nakakatulong ng malaki ang SEATAOO. Pero LEGAL ba ang Operasyon nito?
SAAN KO HUHUGUTIN ANG AKING DECISION?
Tayo ay may sariling bansa. Isang bansang may soberenya. Isang bansang may sariling mga batas na dapat masunod at mangyari. Malaki man ang naitutulong ng mga ganitong negosyo sa bansa at sa mamayang pilipino, subalit kung hindi naman ito legal na nag-ooperate sa bansa ay walang nalilikom na tax. Unti-unti ay babagsak ang ating BANSA dahil mawawalan ng mga sources.
Paano makapag-generate ng Income ang bansa kung tayo ay mapupuno ng mga illegal businesses.
Sa madaling salita, ang suporta ko ay nasa SEATAOO kung gagawa ito ng mga Paraan upang gawing LEGAL ang kanilang OPERASYON. Kung gagawin nila ang sinasabi ng ating batas, kung susunod ito sa batas ng ating bansa. Kung maipakikita nila ang full-force nila upang panindigan na sila ay legal na nag-ooperate.