Ano nga ba ang Swiftship

Ang Swiftship ay isang E-Commerce Platform na naglalayong paunlarin pa ang Industriya ng Online Selling. Nakilala at umunlad ang industriya ng E-Commerce noong kasagsagan ng Pandemya dahil na rin sa limitasyong malakabas noong panahon ng Pandemya. Natapos man ang pandemya ay patuloy pa rin ang paglawak ng Industriya dahil sa mahigit na dalawang taon ay nasanay na ang mga tao na mag-transact online.

Naging daan din ang Pandemya upang ang mga FMCG, at iba bang merchant ay gumawa at magdevelop ng kani-kanilang mga Online Store upang makabenta at maibenta ang kani-kanilang mga produkto.

 

Mga Online Na Negosyo

Ilang taon na rin ang lumipas at sobrang dami na ang mga kababayan nating na-engage at nakipag-sapalaran sa mga  Online Business gaya ng mga Networking Business, Dropshipping Business at Franchising Business na may mga pamamaraan upang kumita.

Ang mga nabanggit na negosyo ay kumikita sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto na kasama na ito sa membership o kaya naman ay subscription fee. Kumikita ang mga sumali dito kung may mga produktong maibebenta.

Ang pangalawang paraan para kumita sa mga ganitong negosyo ay sa pamamagitan ng pagrerecruit ng mga taong sasali sa negosyong nasalihan nila. Hindi na nila kailangang magbenta pa kung sakaling may mga indibidwal silang mapasali sa negosyo.

 

Para Saan Ba Ang SwiftShip

Karamihan sa mga sumasali sa mga nabanggit na negosyo ay natitigil o humihinto na lamang dahil hindi naman sila kumikita ng malaki at ang iba ay hindi naman kumita o nakuha ang kanilang mga kapital na inilabas.

Unang dahilan ay mahirap magbenta ng mga produkto kung walang platform kung saan ito ibebenta o ipa-publish. Ipublish o ipost man natin ito sa mga Social Media platforms natin kung hindi naman tayo kilala at kung wala naman tayong oras sa pagmamarket ng mga produkto ay aiipon lamang ang ating mga produkto. Dahil dito ay tatamarin na rin tayong magbenta.

May mga ibang platforms naman katulad ng Shopee, Lazada at TikTok Shop na pwedeng ipost ang mga produkto, subalit ang problema ay mahirap at matrabaho din naman ang mag-upload ng mga produkto at madami pang mga bagay o requirements na kailangang i-submit. Kapag naayos naman ay magiging maayos naman ang pagiging sellers natin.

 

Ano Ang Solusyon

Kung may mga produkto ka na ay maaari mo ng ipublish ang mga ito sa Swiftship.ph.  Ganun lang kasimple.