Ang Itinagong Ponzi Scheme

Ang New Seataoo Corporation ay gumamit ng hybrid dropshipping concept upang magmukhang lehitimo ang kanilang operasyon, ngunit sa likod nito ay tila isang Ponzi scheme ang pinapatakbo. Ang Ponzi scheme ay isang uri ng scam kung saan ang kita ng mga naunang investors ay mula sa kontribusyon o “effort” ng mga bagong investors, sa halip na mula sa tunay na kita ng negosyo.

Sa kaso ng Seataoo, ang mga investors ay itinago sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila bilang sellers ng e-commerce platform. Ginamit ang dropshipping model, kung saan ang mga sellers ay hindi nag-iimbak ng produkto ngunit umaasa sa third-party suppliers para tuparin ang orders. Gayunpaman, ang tunay na kita ng mga “sellers” ay nanggaling mula sa mga bagong sumasali sa platform, na tila nagiging cycle ng pagkuha ng bagong pondo mula sa mga bagong kasapi upang bayaran ang naunang mga sellers, katulad ng tradisyonal na Ponzi scheme.

Naging kapani-paniwala ang operasyon dahil sa hybrid dropshipping structure, kasama ang mga pangakong mabilis na kita, lalo na’t ginamit pa ang kilalang mga personalidad at endorsers upang suportahan ang platform. Ngunit sa likod ng tila e-commerce na modelong ito, maaaring nagkaroon ng mas malaking agenda ang Seataoo, kung saan ang kita ay batay lamang sa patuloy na pagkuha ng mga bagong kasapi, at hindi sa tunay na sales ng mga produkto.

 

Partnership Program

Sa ilalim ng bagong policy ng partnership program ng Seataoo, binigyang diin ang pagkuha at pagrerecruit ng mga bagong investors, na nagpapakita ng mas malinaw na mga elemento ng isang Ponzi scheme. Sa halip na tunay na sales o trading ang focus ng platform, ang pangunahing layunin ay tila ang pagpapalawak ng base ng mga investors—na itinago sa terminong “sellers” o “partners.”

Sa modelong ito, ang mga kasalukuyang “partners” o “sellers” ay hinihikayat na mag-recruit ng bagong miyembro upang palawakin ang network ng mga kasapi. Ang mga bagong sumasali ay nag-aambag ng kapital, at ang kita ng mga naunang miyembro ay nakadepende sa patuloy na pag-recruit ng mga bagong participants. Sa ganitong paraan, ang platform ay umaandar batay sa pagdaloy ng bagong pera mula sa mga bagong investors, kaysa sa aktwal na kita mula sa pagbebenta ng mga produkto.

Ang ganitong estratehiya ay labis na kaduda-duda, lalo na’t ang ganitong uri ng recruitment-driven income model ay karaniwang senyales ng isang Ponzi scheme. Bukod dito, nagiging malinaw na ang pangunahing layunin ng programa ay hindi ang paglago ng e-commerce business sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto, kundi ang patuloy na pagpasok ng pera mula sa mga bagong miyembro na bumubuo ng basehan ng kita para sa naunang mga sumali.

 

Paano Mapataas ang Percentage Commission

Suriin ang table sa ibaba kung paano lumalaki ang percentage commission ng mga naunang sellers mula sa effort o pinagkaisang effort ng mga affiliates.

Base sa Commission Table sa itaas ay ipinapakita kung paano tumataas ang mga commission ng mga Sellers at kung paano nila dapat dagdagan ang perang ipinapasok nila.

Kung isang Seller ay nasa level 2 na, kung gusto niyang lumaki ang kanyang magiging commission, dapat ay masiguro niyang maging mataas ang kanyang processing rate. The collective efforts of all his affiliates should reach the 55.1% to 60% Processing rate. If the collective efforts of the Affiliates has reach the desired processing rate, the commission na makukuha ng naunang sellers o ang tinatawag na upline ay magiging 3.8%.

Kapag ang mga Affiliate Sellers ay bumagsak sa required na Processing Rate, ibig sabihin, hindi niya na-achieved ang tamang processing rate, ang kanyang magiging profit ay mababawasan at magkakaroon ng penalty na ibabawas sa profit.

 

Kapag Bumagsak sa Processing Rate

Kung iintindihin mabuti ang nakalatag sa Policy Guidelines, ang mga sellers ay sisikaping maabo ang required processing rate upang hindi sila magkaroon ng Deduction or Penalty at hindi mabawasan ang magiging kita nila o profit.

Dito pumapasok ang intensyon ng SEATAOO na hikayatin ang mga Sellers na magdagdag ng Kapital upang makapag-process ng mga Orders. More orders they process, the higher the commission based on the desired Processing Rate.

Halimbawa sa isang cut-off or Evaluation Period na isinasagawa ng Seataoo para ma-evaluate ang performance ng mga Sellers. Base sa computation ng kita sa itaas, sa kapital na 48,041.00 na ilalabas ng Sellers upang i-process ang mga orders, maaari siyang kumita ng 5554.68 pesos kung sakaling bumalik na ang kanyang inilabas na pera sa loob ng 10 to 15 days to 21 days.

Kung hindi ma-reach ng Seller ang Processing Rate, siya ay magkakaroon na lamang ng profit o kitang 2,882.46 pesos. Dahil sayang ang profit na 2672.22 na naging deductions dahil hindi naabot ang required processing rate.

Upang buo ang profit na 5554.68 pesos na profit, sisikapin na lamang ng isang sellers na dagdagan pa ang kanyang capital upang makapag-process ng mga pending orders at maabot ang required na Processing Rate.

Ganyan ang ginagawang panghihimok ng SEATAOO upang patuloy na dagdagan ang perang ipinapasok sa platform.

 

More Affiliates and More Affiliates Investments, More Income for the Uplines

Isa pang istratehiyang ginamit ng Seataoo upang itago ang Ponzi Scheme sa ilalim ng Dropshipping Concept ay ang pagpaparami ng mga Sellers. Ang pagiging investors ay itinago sa pamamagitan ng pagtawag na mga sellers. Ang Perang ipapasok ng mga Investors ay itinago sa terms na pag-aabono sa produktong binili ng mga buyers o ang mga customers.

Upang ang isang Upline ay maabot ang kanyang desired level, dapat ay magkaroon ng bilang ng mga affiliates. Kung ang isang Upline ay may 500 Affiliates, dapat ang lahat ng mga affiliates ay makapag-process ng mga orders o makapag-invest ng pinag-sama-samang capital na 20 Million.

Kung ang 500 Affiliates ay gumastos at nag-invest o nagpasok ng pera upang mag-process ng mga Orders at ito ay umabot sa 20 Million, ang pinakang upline ay makakatanggap ng Subsidy na P15,000.

Bukod sa subsidy na P15,000 ay magiging 4.3% ang magiging commission nito dahil naabot ang required Processing Rate na 70.1% to 80.1%. Samakatwid, ang magiging kita ng Upline ay aabot ng hanggang P860,000 pesos plus P15,000 pesos na subsidy.

Tumataginting na P875,000 pesos ang kita ng isang upline mula lamang ito sa kanyang mga AFFILIATES.

 

CLEARLY, a Characteristics of PONZI SCHEME.

 

Question: Sir Milyon na kinita mo bakit nirereklamo at pinaparatangan ang Seataoo na SCAM?
Me: Ang Scam ay SCAM. Hindi rason ang kinita ko para kunsintihin ang malaking panloloko. Kung hindi ito tutuldukan, mas malaking pera ang mawawala sa atin lalong lalo na doon sa may mga malalaking kapital.

SCENARIO

A SELLER is a Millionnaire, he started with million then after realizing the profit as high as 12%, dinagdagdagan niya hanggang sa umabot ng 20m or more. If tumagal pa at naisipan niyang ipasok pa ang additional niyang milyon then nakita obviously, mas malaking pera ang mawawala.
Ilang sellers ang ganyan ang naging mindset? 25k sellers? O 50k sellers.

CONSEQUENCES

If ibinuhos ang lahat ng Pera at biglang nagsara ang SEATAOO. Imagine magreflect yan sa ECONOMY na sa isang iglap ang mga Milyonaryo ay naging bancrupt?