SEC Clarifies Liquidation

On 4 April 2024, the Securities and Exchange Commission (“SEC”) Office of the General Counsel (“OGC”) issued SEC-OGC Opinion No. 06-24 regarding whether a corporation can liquidate its investments, particularly shares of stock in another company, after the lapse of 3 years from the revocation of its primary registration. The SEC stated that “while Section 122 of the Corporation Code (now Section 139 of the Revised Corporation Code) gives a dissolved corporation three (3) years to continue as a body corporate for purposes of liquidation, the disposition of the remaining undistributed assets must necessarily continue even after such period.”

This opinion aligns with an earlier SEC Commission En Banc decision in the case of Northern Luzon Transportation Inc. and Isabela Cultural Corporation (SEAC No. 347, 07 October 1991). In that case, the SEC ruled that the corporation “should be allowed to continue liquidating its remaining assets in order to complete the process of dissolving the corporation. Likewise, it should be allowed to distribute the proceeds from said disposition to its stockholders or creditors, if any.”

Thus, a corporation can liquidate its investments even after the lapse of 3 years from the revocation of its primary registration, ensuring that all remaining assets are properly disposed of and distributed.

Ang Securities and Exchange Commission (SEC) ay nagbigay ng paglilinaw ukol sa pag-liquidate ng mga natitirang ari-arian ng isang korporasyon matapos ang tatlong taon ng proseso ng pag-dissolve o pag-sara nito.

Noong Abril 4, 2024, naglabas ang SEC Office of the General Counsel (OGC) ng SEC-OGC Opinion No. 06-24 na nagtatanong kung maaari bang iliquidate o ibenta ng isang korporasyon ang mga investments nito, lalo na ang mga shares of stock sa ibang kumpanya, matapos ang tatlong taon mula nang mawala ang rehistrasyon nito. Ayon sa SEC, bagama’t ang Seksyon 122 ng Corporation Code (na ngayon ay Seksyon 139 ng Revised Corporation Code) ay nagbibigay ng tatlong taon para sa isang dissolved corporation na ipagpatuloy ang pag-liquidate, maaari pa ring ipagpatuloy ang proseso ng pagbebenta ng mga natitirang assets kahit lumampas na ang tatlong taong palugit.

Ito ay umaayon sa naunang desisyon ng SEC Commission En Banc sa kaso ng Northern Luzon Transportation Inc. at Isabela Cultural Corporation noong Oktubre 7, 1991. Sa kasong iyon, sinabi ng SEC na dapat payagan ang korporasyon na ipagpatuloy ang pag-liquidate ng natitirang mga ari-arian nito upang matapos ang proseso ng pagsasara ng korporasyon. Dapat din itong payagang ipamahagi ang mga nalikom mula sa pagbebenta sa mga stockholder o creditor, kung mayroon man.

Dahil dito, ang isang korporasyon ay maaari pa ring mag-liquidate ng mga investments nito kahit lumampas na ang tatlong taon mula sa pagkakarevoke ng rehistrasyon, upang matiyak na ang lahat ng natitirang assets ay maayos na maipamamahagi.

 

HINDI Naka-FREEZE ang PERA AT ASSETS

Oo, ibig sabihin nito ay hindi agad mawawalan ng karapatan ang New Seataoo Corporation na i-liquidate o ayusin ang mga natitirang ari-arian at pera nito kahit na-revoke na ang kanilang rehistrasyon. Ayon sa Revised Corporation Code (Seksyon 139), may tatlong taong winding-up period ang isang dissolved corporation kung saan maaari pa itong patuloy na magsagawa ng mga hakbang tulad ng pag-liquidate ng mga assets, pagbabayad sa mga creditors, at pamamahagi ng natitirang pondo sa mga stockholders.

Sa loob ng tatlong taong ito, may pagkakataon pa ang korporasyon na ayusin ang mga natitirang financial obligations at responsibilidad nito. Bukod pa rito, ayon sa clarification ng SEC, maaari pang ipagpatuloy ang liquidation process kahit matapos ang tatlong taong period na ito kung hindi pa tapos ang proseso ng disposal ng mga assets.

Kung kaya’t hindi agad masasabi na “restricted” ang mga pondo ng New Seataoo Corporation. May legal na proseso pa silang maaaring sundan para i-liquidate ang mga natitira nilang assets at ipamahagi ang mga ito sa mga nararapat na parties, tulad ng mga stockholders o creditors.

SUMMARY

Dapat noong na-revoke o lumabas ang REVOCATION ORDER noong June 10, 2024, dapat hindi na sila nagpapasok pa o tumanggap ng mga bagong Sellers. Dapat hindi na sila nagkaroon ng FLASH Sales.

Binibigyan sila ng pagkakataon UPANG isole, i-liquidate ang mga PERA ng mga Sellers. Hindi dapat sila nagsara. Dapat nakipag-coordinate sila sa mga apektado na isole ang pera.

May nakatanggap nga ng 3% disbursement pero ilan lang yun at hindi na naulit. Meaning, pwedeng isole ng BUO ang pera ng mga SELLERS noon panahon na yon. Hindi nila ginawa dahil unti-unti nilang winithdraw ang pera nila.

 

Sa mga Sumama sa Class SUIT

Ang final list po ng mga Sellers na sumama ay nasa isang private Facebook Group na po. Bago mapabilang sa FORMAL CLASS SUIT GROUP ay siguraduhin ang mga sumusunod na bagay:

  1. May ipinasang SPA (Special Power of Attorney) on or before September 28, 2024.
  2. Dapat sa SPA under sa Acknowledgement ay nakalagay o nakasulat doon ang mga names ng immediate Family Members po ninyo. (Multiple Accounts).
  3. Dapat kasama sa SPA ang ID ninyo na may 3 signatures.
  4. I-Click ang picture sa ibaba at sagutan ang mga tanong upang ma-verify ang iyong pagsama sa class suit.

 

Paano yung mga hindi nakasama sa CLASS SUIT?

Doon po sa mga hindi nakasama sa Class Suit ay maaari po kayong magpunta sa SEC upang magsampa ng Formal Complaint Against New Setaoo Corporation. Sagutan ang Complaint-Affidavit at ipa-notaryo na ito bago kayo magpunta sa SEC.

Kapag naka-notaryo na ang Complaint-Affidavit, pumunta na po kayo sa SEC at dalhin na ang mga evidences na hawak ninyo. Siguraduhing malakas ang inyong evidences upang hindi mabalewala ang inyong ipinaglalaban,

CRIMINAL Case dapat ang inyong isampa upang masiguro ang bisa at substance ng inyong complaint. Kung simplement Money Claims lamang po yan ay Civil Case lamang po yan at hindi makukulong ang dapat makulong.

Bukod sa SEC, maaari kayong magtungo sa NBI, CIDG at kumuha po kayo ng abogado dahil baka hindi po kayo mabigyan ng PAO Lawyer kung hindi kayo kabilang sa mga indigenous citizen.