Dear Sellers,
Ang class suit ay tinatawag na samahang demanda o sama-samang demanda. Ito ay isang uri ng kaso o demanda kung saan isang pangkat ng mga tao na may parehong reklamo o hinaing ang nagsasampa ng kaso laban sa isang tao o organisasyon. Karaniwang ginagamit ito upang ipagtanggol ang mga karapatan ng marami sa halip na isa-isa silang magsampa ng magkakahiwalay na kaso.
KAHALAGAHAN NG CLASS SUIT
Ang pagsasampa ng class suit (samahang demanda) ay may kahalagahan at mabuting dulot sa mga taong nais ipagtanggol ang kanilang karapatan o makamit ang hustisya sa mga sumusunod na paraan:
1. Pagkakaparehas ng Reklamo
- Sa isang class suit, ang mga kasali ay mayroong magkakaparehong reklamo laban sa iisang partido, kaya’t mas pinadali ang proseso dahil hindi na kailangan ng magkakahiwalay na kaso para sa bawat indibidwal.
2. Mas Mababang Gastos
- Dahil pinagsasama-sama ang mga reklamo, ang gastos sa legal na proseso ay nahahati sa maraming kasali, kaya’t mas kaunti ang gugulin ng bawat indibidwal kaysa sa magsampa ng hiwalay na demanda.
3. Mas Epektibong Hustisya
- Mas mabigat ang hatak ng isang sama-samang demanda dahil mas maraming tao ang nagsasampa, kaya mas napipilitan ang inirereklamong partido na harapin ang kaso at magbigay ng kaukulang aksyon o bayad-danyos.
4. Pinagsama-samang Ebidensya
- Ang mga kasali sa class suit ay maaaring magbigay ng pinagsama-samang ebidensya, na nagpapalakas sa kaso at mas nagpapadali sa paglutas nito.
5. Proteksyon sa Maliliit na Indibidwal
- Ang class suit ay nagbibigay ng boses sa mga indibidwal na maaaring walang sapat na pondo o lakas upang labanan ang malalaking kompanya o organisasyon nang mag-isa. Sa pamamagitan ng sama-samang demanda, ang maliliit na biktima ay mas nagiging protektado.
6. Pag-iwas sa Magulong Proseso ng Maraming Kaso
- Sa halip na magkaroon ng maraming magkakahiwalay na kaso na maaaring magulo at matagal, ang class suit ay nagbibigay ng mas simpleng paraan upang maresolba ang mga reklamo sa iisang proseso lamang.
7. Pagkakaroon ng Moral Support
- Ang mga kasali sa class suit ay may kasama at kakampi sa laban, na nagbibigay ng emosyonal na suporta at lakas ng loob upang ipagpatuloy ang kaso.
Sa kabuuan, ang class suit ay isang mabisang paraan para sa mga tao na may iisang reklamo o hinaing na maipaglaban ang kanilang karapatan sa paraang mas matipid, mas mabilis, at mas epektibo.
MAKAKASAMA BA SA CLAIMS ANG HINDI SUMAMA SA CLASS SUIT?
Kung hustiya ang habol ng lahat. Meaning maparusahan ang dapat maparusahan. Managot ang dapat managot. Makulong ang dapat makulong. Lahat po ng mga apektadong sellers ay madadamay sa magiging outcome o resulta ng CLASS SUIT.
Kung ang habol po ninyo ay makuha ang perang naipit sa pagtigil ng operasyon ng Seataoo ay hindi po kayo makakasama sa aming claims kung sakaling may pera pang mahahabol sa New Seataoo Corporation sa kadahilanang kami po ay nagbigay ng Special Power of Attorney (SPA) sa aming nakuhang abogado. Ibig sabihin po ay kumuha kami at nagbayad ng serbisyo ng aming Abogado upang kami ay maipagtanggol.
ANG HINDI SUMAMA SA CLASS SUIT, MAY MAKUKUHA BA?
Kung sakaling manalo po kami at malaman na may mga ASSETS pa o Pera ang SEATAOO na maaaring ma-liquidate sa mga apektado ay makakakuha pa rin naman po kayo KUNG maghahanap po kayo ng sarili na ninyong abogado na siyang magpapatunay na totoo po ang inyong claims.
Dahil po magiging mag-isa na lang po kayo sa habol ninyo ay kayo na po ang magbabayad ng Professional Fee ng isang abogado. Kumbaga ay mag-isa kayong ilalaban ng abogado ninyo kaya asahan po na mapapagastos po kayo.
MAY PERA PA BA ANG SEATAOO?
Ito ay hindi masasagot kung hindi po kayo kumilos at gumawa ng paraan upang malaman ang katotohanan. Alam naman po ninyong napakatahimik ng New Seataoo Corporation. Hindi po sila sumasagot at hindi sa management lumalabas ang mga impormasyon kaya mahirap pong paniwalaan.
Makikita sa kanilang ASSETS na nasa Audited Financial Statement ay nasa 18 Million na lamang ang pera ng New Seataoo Corporation. Maniniwala ba kayong 18 Million na lang ang pera ng Seataoo? Malaki ang posibilidad na ang Audited Financial Statements ay hindi totoo dahil sa dami ng Affected Sellers.
Isipin po ninyo, Ilang sellers ang naghihitay sa kani-kanilang mga pera? May isang Seller na ang perang hinihintay at naipit ay nasa 14 Million at ang iba ay higit pa sa 20 Million. Ilang sellers ang apektado? Base sa aking naunang data o estimates ay mayroong 1.5 Billion na sa 4000 Sellers.
Kung gamitan po natin ng basic Mathematics, ilang Sellers ba ang Apektado?
Kung mayroong 25000 Sellers, ibig sabihin mayroong 7.9 Billion ang Pending for Withdrawals or naipit sa pagsasara ng Seataoo? May mga nagsasabing nasa 50,000 ang mga Sellers ng SEATAOO. Kung totoo ngang nasa 50,000 ang mga sellers, malamang ang estimated na pera ng SEATAOO ay nasa 15.9 Billion.
Ilang Buwang Nagsara ang SEATAOO, WALA NA BA ITONG PERA?
Magkano ang sahod ng mga natirang Account Specialist at ilang buwan silang sumahod sa loob ng apat na buwan.
Ipagpalagay mo ng may natirang 50 Account Specialist na sumasahod ng 25000 monthly. Sa loob ng apat na buwan, sila ay nakatanggap ng 5 Milyon na sahod nila in 4 months.
Kaltasin mo ang 5 Milyon sa bilyong claims ay mayroon pa ring bilyon sa SEATAOO.
MAY MAKUKUHA PA BANG PERA?
Hindi yan masasagot ng kahit sino, kahit ako ay hindi natin yan kayang sagutin. Kahit SEC ay hindi yan kayang sagutin dahil kung HINDI Totoo ang idineklara nilang ASSETS sa Audited Financial Statement. Malamang, mananatiling palaisipan sa lahat ang katanungan na yan kung walang kikilos.
Only God knows everything 🙏 ❤️ Wish ko sana lahat Ng sellers Maka received Ng mga Pera namin 😊
Palaisipan pa po. Kaya waiting po sa resulta ng invistigaion at resulta ng kaso. Salamat po.