My First Seataoo Encounter
Last March of 2023, I have decided to create a seller’s account sa Seataoo without any prior knowledge what is all about and how it works or operates. Wala din akong any ideas kung paano ba dito kikita. Zero knowledge and ideas.
Lumipas ang dalawang buwan nang wala akong ginawang aksyon sa aking store, tinitingnan ko lamang na may mga orders akong natatanggap hanggang sa ito ay dumami ng dumami na lalong nagbigay sa akin ng pagdududa at ispekulasyon. Umabot sa halos kalahating milyon ang halaga ng mga pending orders na dapat kong i-process upang ma-fulfill na ng Seataoo.
Hakbang Na Aking Ginawa Upang Maintindihan Ang Nangyayari
June 09, 2023 nang maisipan kong mag-chat sa Customer Service ng Seataoo at deretsahan ko silang tinawag na SCAMMER dahil hindi man lamang sila makausap at walang sumasagot sa mga tawag ko. Ilang minuto pa ang lumipas at may sumagot na isang Team Leader at sinabihan akong bibigyan ng Dedicated Account Specialist. After lunch ay may tumawag sa akin mula sa Seataoo at ito ay si Ms. Dedicated Account Specialist. Nag-usap kami ng halos isang oras dahil hindi ko na inaksaya pa ang pagkakataon na may tumawag sakin upang linawin ang lahat ng mga bagay-bagay tungkol sa Seataoo.
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Dedicated Account Specialist at ang kanyang sinabi, sir Congratulations may bago kayong order na isa. Pwede na kayong maglagay ng fund upang ma-process na ang pending orders. Sabihan nyo ako kung magpaprocess ka na upang maturuan ko kayo ng mga tamang hakbang para di kayo magkamali.
Dahil wala akong sapat na pondo pa noong mga araw na yun ay pino-problema ko kung saan ba ako kukuha o hihiram ng pera upang makapag-umpisa sa pagiging seller. One day, habang nag-iisip ako ay sumagi sa isipan ko ang St. Peter policy ko na matagal ng bayad at naghihintay na lamang ng maturity bago ma-withdraw.
My Journey as a Seller Started last April 17, 2023
After few days ay natanggap ko na ang pera na na-loan ko sa St.Peter Policy ko. Dali-dali akong nagtungo sa opsina ng Seataoo upang kausapin ng harapan ang dedicated account specialist. Pagkakataon na rin upang malaman ang mga legalidad ng negosyo at mga permit na dapat kong malaman upang magkaroon ako ng kompiyansa na ituloy ang pagiging seller.
Marami akong natutunan sa dedicated account specialist dahil mula sa legalidad hanggang sa pagproseso ng mga pending orders hanggang sa pagbabalik ng perang ipinuhunan ay aking natanong at nalinaw sa kanya.
Bakit Ako Nagsagawa ng Due Diligence Tungkol sa Seataoo
Bagama’t nag-uumpisa na ako bilang Seller ng Seataoo ay hindi ito naging naging sagot upang tuluyan akong magtiwala sa Seataoo bilang E-Commerce platform dahil sa dami ng mga pinagdaanan at napasukang mga negosyo na naging dahilan upang malubog ako sa utang. Totoo, ilang libong piso ang nawala sa akin dahil sa mga SCAM Companies at mga Networking Businesses na aking nasalihan in the past.
Noong panahong iyon ay maraming mga Sellers at aspiring sellers ang bumabatikos sa Seataoo na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob at determinasyon na pasubalian ang mga sinasabi nilang hindi maganda tungkol sa Seataoo. May mga nagsasabing SCAM, may ilan namang nagsasabi na ito daw ay gumagamit ng Ponzi Scheme method, isa raw itong investment scam at marami pang iba.
Hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi ng iba. Maraming mga kilalang personalidad ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon at reaksyon tungkol sa Seataoo. Isa na rito ang Vlogger na abogado. Natuwa ako dahil isang abogado ang nag-review tungkol sa Seataoo. Pinanood at tinapos ko ang Video. Nagkaroon ako ng idea na ang abogadong ito ay walang maipintang mali sa Seataoo dahil never niyang ni-review ang legality ng negosyo. Ibig sabihin, walang ginagawang masama ang kumpanya kaya walang dapat ikatakot.
I assume na abogado siya kaya dapat ang focus ng kanyang review ay legality. Mas lalo akong nabuwisit at nawala ang paghanga sa abogado ng sa kalagitnaan ng kanyang review ay nabanggait niyang hindi pala siya seller at ang kanyang mga sinabi ay pawang mga hearsay o naririnig at nababasa lamang niya at hindi mula sa kanyang personal na karanasan bilang seller ng Seller. San ka nakakita na isang abogado ang magrereview ng isang bagay, gamit ang mga nababasa at naririnig lamang. Dito ako gumawa ng counter video upang sabihin na redflag sa akin ang pagiging abogado nya.
Ayon sa Securities and Exchange Commission