Bakit hindi nakukulong si Dating Pangulong Rodrigo “Roa” Duterte?

Tumatak at naging maingay ang administrasyong Duterte dahil sa kanyang naging programang “War-on-Drugs” na kung saan ay inilungsad ang “Oplan Tokhang”. maituturing bang Untouchable ang dating Pangulo o ang mga Duterte kung kaya’t hindi man lamang ito nakasuhan sa kabila ng samo’t-saring ingay na ginawa ng kanyang mga kalaban sa Politika? Ilan sa mga kumukundena sa kanyang naging pamumuno ay ang dating Justice Secretary na si Leila De Lima, na kung tutuusin ay hawak ang hudikatura noong kanyang kapanahunan, isa lamang si former Senator Leila De Lima na lumalaban at patuloy na tumutuligsa sa naging resulta ng “War-on-Drugs” ng nakaraang pangulo. Nandiyan din si Senadora Risa Hontiveros na talaga namang ginisa sa Senate Blue Ribbon Committee hearing na naganap noong Nobyembre 13, 2024 si Dating Pangulong Duterte at pilit nitong pina-paako si Duterte sa pagkamatay ni Kian De Los Santos at iba pang mga biktima.

Ang Quad-Committee ay naglunsad din ng Legislative hearing at inimbitahan ang mga kumakandidato sa Kongreso katulad nina Atty. Kristina Conti, Atty. Neri Colmenares at Senatorial candidate na si Atty. Chel Diokno. Sila ay mga abogado na kumukundena sa dating Pangulo. Sa katotohanan, si Atty. Kristina Conti ay ICC Accredited Lawyer, ay dumalo bilang isa sa mga resource person sa Quad-Comm kasama ang mga pamilya ng sinasabing biktima ng Extra-Judicial Killing.

Sa pambungad na pananalita ni Atty. Kristina Conti, “Kasama ko po ang mga biktima ng Extra-Judicial Killing….. na parang pinagsakluban ng langit at lupa.”

Erxtra-Judicial Killing (EJK)

Ang Extrajudicial Killing o “EJK” ay tumutukoy sa pagpaslang sa isang tao nang walang legal na proseso o paglilitis. Karaniwang ginagawa ito ng mga awtoridad, tulad ng pulisya o militar, o ng mga hindi kilalang grupo, nang hindi dumadaan sa korte o batas.

Paliwanag:

Sa isang demokratikong lipunan, may proseso ang hustisya kung saan ang isang taong inaakusahan ng krimen ay dapat idaan sa tamang pagsisiyasat at paglilitis bago mapatawan ng parusa. Ngunit sa kaso ng extrajudicial killing, pinapatay ang isang tao nang walang pagkakataong ipagtanggol ang sarili sa harap ng batas.

Mga Halimbawa ng EJK:

  • Pagpatay sa isang hinihinalang kriminal nang walang warrant o paglilitis.
  • Pagpatay ng mga pulis o sundalo sa isang suspek sa halip na arestuhin at ipasailalim sa due process.
  • Mga kaso ng sapilitang pagkawala (forced disappearances) kung saan nawawala ang isang tao at natatagpuang patay nang walang malinaw na paliwanag o imbestigasyon.

Epekto ng Extrajudicial Killings:

  • Paglabag sa karapatang pantao – Ang bawat indibidwal ay may karapatang mabuhay at magkaroon ng patas na paglilitis.
  • Takot at kawalan ng tiwala sa batas – Nagiging mas mahirap para sa mamamayan na magtiwala sa mga awtoridad kung may pang-aabuso sa kapangyarihan.
  • Panganib ng maling parusa – May mga pagkakataong inosente ang napapatay dahil sa maling impormasyon o maling pagkakakilanlan.

Sa kabuuan, ang extrajudicial killing ay isang seryosong isyu na lumalabag sa mga prinsipyo ng hustisya at karapatang pantao.

Paliwanag

Ito ang kasong ibinibintang sa dating Pangulong si Rodrigo “Roa” Duterte. Ang dahilan ng mga abogado at mga taong kumukundina ay may may mga namatay na mga inosente. Hindi daw nadamay ang mga ito, kundi pinatay ng pulis. Nagbunsod ang pagpatay sa mga kawawang biktima dahil daw sa kautusan ng dating Pangulo.

Ang ibinibintang sa dating Pangulo ay ang mga patayang nangyari. Kung bakit daw pinatay ang mga ito. Dumami daw ang mga namatay. Nais nilang sabihin na kung ang mga namatay ay may pagkakasala sa batas, bakit pinatay at hindi ikinulong upang maparusahan. Dahil daw sa kautusuan ng Pangulo, maraming sibilyan ang nadamay, mga inosente ang namatay at pinatay ng mga pulis. Dahil sa mga pangyayaring ito, ilan sa mga dating opisyal ng kapulisan katulad ni Sen. Rolando Bato Dela Rosa, PCOL Danao at iba pa ay hindi pinalagpas ng mga kritiko lalong-lalo na ng mga bumubo ng Quad Comm.

Ang mga ganitong angyayari ang ipinaglalaban ng mga abogadong katulad nina Atty. Kristina Conti, Atty. Neri Colmenares, Atty. Chel Diokno at ilan sa mga kongresista at senador.

I and I alone Take Full Legal Responsibility

Dapat bang bumalik tayo sa ICC?