October 2022 ng mabalitaan ko ang Seataoo mula sa isang seller ng Seataoo. Dahil sa daming scam na ang nasalihan ko ay natakot na akong pasukin ang halos lahat ng opportunity na kahit ang isang sikat na Financial Coach pa ang gawing endorser ay talaga namang hindi buo ang aking tiwala at nandoon ang agam-agam.

Hindi ako tumigil sa pananaliksik at pag-aaral sa kumpanya, patuloy akong nagbasa-basa at nanood ng mga video tungkol sa kumpanya. Pinag-aralan ang konsepto nito at kung paano ba dito kikita, until such time na napanood ko ang isang ordinaryong seller na si Sir Baki. Pinapanood ko lang ang kanyang mga videos at pinag-aralan kung paano nga ba siya kumikita.

Sa panonood ko sa kanyang mga Video ay unti-unti ay naengganyo akong pasukin na ang Seataoo, subalit hindi niya referral ang ginamit ko. Tulad ni Sir BAKITV, alam kong ang hanap lamang niya ay magkaroon ng Passive Income kaya nagpasya siyang maging Seataoo Seller. Hindi ko ginamit ang kanyang referral code dahil ayaw ko at hindi ko ugaling manisi ng kapwa tao. Inisip ko hindi naman nya kasalanan kung naging seller ako ng Seataoo dahil desisyon ko yun. Naghahanap ako ng malaking opportunity at nahanap ko ang Seataoo. Nagkataon lamang na may video siya tungkol dito kaya natuto at nalaman ko ang negosyo.

Inalam ko ang kanyang katungkulan, maganda ang kanyang background at professional siya. Isang mangagagwa sa Gobyerno, subalit dahil nga desisyon ko pa rin ang mananaig kung papasukin ko ba o hindi ang pagiging seller, hindi pa muna ako gumawa ng Seller Account.

Makalipas ang ilang buwan, dumating ang buwan ng May 2023 ay nagdesisyon na akong gumawa ng sarili kong account gamit ang referral code ng isang influencer-vlogger na si MJ Lopez. Unti-unti ay nakikita ko na at napagtanto kung ang mga sinasabi ni Sir BakiTV sa kanyang YouTube Channel. Lumipas ang mga araw, linggo subalit hindi pa rin ako naglalagay ng mga pondo sa aking account hanggang sa dumami ang mga orders na dapat kong i-fulfill o i-process. Umabot hanggang sa kalahating milyon ang halaga ng mga produkto na dapat kong i-proseso kaya na-stress ako at tumawag sa opisina ng Seataoo.

Tumawag ako sa opisina, subalit walang sumasagot dito. Nag-message ako sa Customer Service at na tyemouhan kong may sumagot sa akin. SCAM NGA BA KAYO at hindi kayo marunong sumagot sa mga tumatawag o inquiries. Iyan ang bungad ko sa sumagot sa akin. Naging maayos naman ang sagot sa chat ng Customer Service, kaya sino ako para magalit. Ilang minuto pa ay may tumawag na sa akin, siya si Jeremy.  Sa aming pag-uusap ni Jeremy ay nakalmado at napayapa ako. Kinausap niya ako ng maayos. Pinaliwanagan ng tamang proseso.

June 09, 2023, ay gumawa ako ng panibagong account under the guidance ni Jeremy. Umaga ng June 10 ay nag-message sa akin si Ms. Jeremy upang ipaalam sa akin na may order na akong dapat i-process. Natuwa ako at gustong-gusto ko ng kumita dito subalit wala akong perang magagamit sa pag-process. Hanggang naisipan kong i-loan ang St. Peter Plan ko dahil matagal na akong fully paid dito.

June 17 ng una kong lagyan ng 5100 ang aking Wallet Balance upang i-process ang mga Orders na natanggap ko. Dito nag-umpisa ang panibagong kaba na aking nararamdaman dahil wala na akong St. Peter Plan kung sakaling ma-scam ako kaya bago ko pa ibuhos ang kabuuang loans ko ay minabuti kong magsagawa ng mga due diligence assessment at investigation tungkol sa kumpanya. Ilang beses din akong nagtungo sa opisina upang alamin ang mga legal permits and documents ng SEATAOO. Nandoon naman ang lahat sa bulletin board ang mga permit.

June 29, 2023, ang pangatlong beses kong pagpunta sa Opisina  upang magtanong nga mga technical questions about the process, deep-dive the legal registration ng kumpanya dahil at that time ay Information Technology OPC ang nakarehistro sa Securities and Exchange Commission. Ilang beses akong tumawag sa SEC upang ikumpirma ang registration ng Seataoo at ayon sa aking nakausap ay hindi sila E-Commerce kundi Technology company at ang purpose ay gumawa ng mga softwares. Taliwas ito sa ginagawa nilang E-Commerce. Dito ay lalo akong naging matapang sa pananaliksik.

Ang humarap sa akin ay ang isa sa mga Head na si Sir Joseph Ty. Naging mahaba ang aming pag-uusap kasama ang aking Account Specialist na si Jeremy. Mga Technical ang aking mga tanong, mula sa registration ng kumpanya, logistics, at proseso ng product fulfillment. Humarap din ang corporate lawyer na si Atty. Benjamin Magadia.

March of 2023 daw ng pumasok si Atty. Magadia at ang una niyang ginawa ay ang registration ng kumpanya sa SEC na aking kinuwestyon at sinabing taliwas sa purpose ng Information Technology OPC ang ginagawa ng Seataoo. Ito ay isang mis-representation.  Dito ay ipinaliwanag ni Atty. Magadia na inaayos na nito ang tamang registration ng kumpanyan para maging 100% compliant sa Securities and Exchange Commission.

Bago pa ako magtungo sa opisina ng Seataoo ay tumawag na ako sa Securities and Exchange Commission upang linawin ang company registration. Sabi ng aking nakausap mula sa SEC, “Hindi naman po mahigpit ang ahensya. Kami naman dito ay nagbibigay ng tamang panahon upang itama ng mga kumpanya ang kanilang registration na naaayon sa ginagawa nito. Dapat ang Registration ng kumpanya ay naaayo sa kanilang ginawa”.

Sa aking pagpunta sa Opisina ng Seataoo noong June 29, 2023 ay nabanggit na ni Atty. Benjamin na nag-file na sila sa SEC ng tamang Business Registration. Hindi naman po nagsinungaling ang kanilang abogado. Dahil noong bumalik ako sa Opisina ay naging New Seataoo Corporation na ito.

Habang ginagawa ko ang masusing pananaliksik tungkol sa kumpanya ay patuloy ako sa pag-proseso ng mga orders. Sinabihan ako ng aking matalik na kaibigan na hindi porket registered ang kumpanya sa SEC ay legal na ito kung mali naman ang kanilang ginagawa.

August 15, 2023 ay nagpadala ako ng Email sa Securities and Exchange Commission.

Ang dahilan ay upang malaman na ang mga bagay na dapat gawin kung mangyari ang worst case scenario.  Sumagot naman ang Securities and Exchange Commission sa aking Email.

Sa MGA CONCERNS About Withdrawals:

Panatilihin po nating kumuha ng screenshots ng ating Wallet Balance. Kapag po may nakita na tayong perang bumalik sa Wallet Balance ay magwithdraw na po tayo. Make sure na kunan muna ng SCREENSHOT or Screen Record ang gagawing withdrawals. Para po back-up ang ating mga claims. UULITIN ko po, kapag may pera na ating Wallet Balance, withdraw na po natin as advised ng aking Account Specialist.
May mga withdrawals po na nawala sa Wallet Balance subalit hindi nag-reflect sa Withdrawal History. Yan po ang purpose kaya sinasabi ko pong kumuha ng Screenshots. Para may maipakita tayong ebidensya. 
May ilan pong sellers na kailangang ilagay ang TIN Number at ID ulit. Ang gagawin lamang po ay piliin ang Non-Filipino Residence at gumamit ng kahit anong ID. 
Mag-email po sa mga sumusunod
[email protected]
[email protected]
[email protected]
[email protected]
[email protected]
[email protected]
Ang isang mahalagang dapat gawin ay kausapin ang inyong Dedicated Account Specialist. Kung ang ginamit ninyong Referral Code ay sa akin, makakatanggap kayo ng update sa inyong mga emails. Kung hindi po kayo nakatanggapa, meaning po hindi po Referral Code ko ang inyong ginamit.