Ano ang pagkakamali sa mga baguhang sellers?
Maraming mga baguhang sellers ang nahihirapang palakihin ang kanilang kita sa Seataoo at na-i-stress kung paano nga ba nila maipapasa ang evaluation na isa sa mga mahalagang aspeto ng pagiging seller ay sa dahilang kulang sa pagtitiyagang intindihin ang mag TIPS and STRATEGIES na ating ibinabahahi sa email. Ang iba pa ay hindi na nagbabasa ng mga emails. Kapag naka-encounter ng mga Technical na problema ay saka sila magtatanong at maguguluhan leading to disappointment.
Dahil sa kakulangan nila sa oras magbasa ay hindi na sila nagiging aware sa mga policies na akala nila ay may mali o error na naman, halimbawa na lamang ng withdrawal time-frame, ang nasa policy ay 3 to 5 business days upon approval of the withdrawal. Hindi kasama ang weekends sa pagbibilang ng timeframe for withdrawals.
Isa pang problema kung bakit nalilito ang marami ay dahil may mga sariling decision at pag-iisip na itatanong na agad kung magkano ang kikitain kesa kung paano umpisahan ang isang negosyo. Kita na agad ang nasa isip at di na iniisip na may mga dapat gawin bago kumita ng malaki. Kapag ganun ang nasa isip at tinatanim sa isip ay mawawalan ng sariling diskarte upang mag-isip ng mga strategy.
Isa pang problema ay ang pagkakaroon ng mga alinlangan, mga pagdududa sa negosyo. Madaling maimpluwensyahan ng mga negatibong mga komentaryo ng mga bashers. Madaling maniwala kesa ang magkaroon ng sariling research at pag-aaral tungkol sa negosyo. Hati ang kanilang paniniwala na nagiging dahilan upang hindi makagalaw o makapag-umpisa. Kalahati ng kanilang isip ay kung paano kumita at kalahati ay ang takot na baka sila ay ma-scam kesyo ang Seataoo ay SCAM at gumagamit ng Ponzi Scheme strategy.
Registered ba ang Seataoo sa SEC?
Ito ang kalimitang tanong sa atin ng maraming aspiring sellers na ilang beses ko na rin naman ipinakita at sinagot kung ano nga ba ang patunay na ito ay legally allowed to operate as an E-Commerce Platform. Sa mga nagnanais na mapatunayan kung legally allowed ba ang Seataoo to operate as an E-Commerce using Dropshipping Business Model, maaari naman silang bumisita sa opisina ng Seataoo at suriin kung totoo ba o legit nga ba ang mga nakalagay sa Bulletin Board ng Seataoo office sa Cocolight Building sa may Bonifacio Global City in Taguig Metro Manila.
Maaari ring pumunta sa website ng Securities and Exchange Commission upang bumili ng Articles of Incorporation and by-laws ng Seataoo sa link na ito. https://secexpress.ph/application-form. lahat ng sellers maging an mga aspiring sellers ay may karapatang bumili ng dokumento sa SEC kung nais mapatunayan na legit ang registration ng kumpanya.
Bakit walang Secondary License ang Seataoo?
In the Philippines, several entities are required to apply for a secondary license with the Securities and Exchange Commission (SEC) aside from the primary registration. These entities are typically involved in activities related to trading, managing, or holding securities. Here’s a breakdown of some common examples:
- Issuers of Securities: This includes companies going public through an Initial Public Offering (IPO) or those issuing debt securities, mutual funds, or investment contracts. [Examples: Stocks, Bonds]
- Capital Market Intermediaries: This refers to entities facilitating securities transactions. Examples include:
- Broker-Dealers (buying and selling securities for clients)
- Government Securities Eligible Dealers (trading government bonds)
- Investment Houses/Underwriters (helping companies raise capital)
- Mutual Fund Distributors (selling mutual funds to investors)
- Market Infrastructure Entities: These entities provide essential services for the securities market. Examples include:
- Transfer Agents (recordkeeping of securities ownership)
- Clearing Agencies (settling trades between buyers and sellers)
- Securities Depositories (holding securities electronically)
- Exchanges (platforms for trading securities)
- Alternative Trading Systems (alternative marketplaces for trading)
This is not an exhaustive list, and there might be other entities requiring a secondary license depending on their specific activities in the Philippine securities market.
For a more comprehensive view, you can refer to the official SEC webpage on Secondary Licenses: https://www.sec.gov.ph/forms-and-fees/second-license/
Samakatwid, hindi kailangang magkaroon at mag-apply ng Secondary License ang Seataoo dahil hindi ito isang investment firm or investment company na kumikita ng pera ang ating mga pera. Ang Secondary License ay applicable lamang sa mga Lending Application, Toyota Financial, and other lending firms, Insurances at marami pang iba.
Sinasabi lamang ng nasa Memo na nasa itaas na kapag ang Seataoo ay nagbenta ng mga Securities na tinatawag, saka sila kailangang mag-apply ng Secondary License. But dahil ang Seataoo ay nag-ooperate katulad ng Shopee, Lazada, at TikTok shop ay hindi ito kailangan ng Secondary License.
Paano Nga Ba Kumita sa Seataoo?
Katulad ng Shopee, Lazada, at TikTok Shop, ang Seataoo ay isang E-Commerce platform na kung saan ang mga users o mga gumagamit ng platform ay maaaring bumili sa mga produktong nakabenta sa website at maaari ring maging seller sa platform. Therefore, bilang negosyante ay maaari tayong kumita sa Seataoo sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga products na matatagpuan sa warehouse ng Seataoo platform.
Katulad natin ay may mga produkto tayong naka-published sa Shopee, Lazada at TikTok Shop. Ang pagkakaiba lang ng Seataoo ay hindi na tayo kailangan pang magkaroon ng imbentaryo ng mga produkto na ating ibebenta dahil Seataoo na ang bahala sa supplies ng mga products at sila ang bahala sa pagpa-pack ng mga orders.
Seataoo Objectives
Upang maging maganda ang performance at records ng ating Store, mayroong dalawang objectives na dapat nating tutukan, paghandaan at bigyan ng pansin.
- Meet the required processing rate to avoid penalties or deductions.
- Sa Unang Objective, dapat pag-isipan at planuhin ng seller na maipasa ang Processing Rate tuwing evaluation period. Ang mga penalty o deductions ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pakikinig sa bawat istratehiyang napag-uusapan tuwing webinar.
Paano Mag-umpisa sa Seataoo?
Sa mga aspiring sellers, sundin at inntindihin lamang ang bawat steps na nakasulat dito. Sundan ang bawat larawang makikita mo rito upang hindi ka malito. Narito ang mga steps sa pag-uumpisa.
- Pumunta sa iyong gamit na browser (Chrome o Microsoft Edge) at pumunta sa Website ng Seataoo na seataoo.com
- Sa gitnang ibaba ng website ay makikita ang Be A Seller, mangyaring pindutin ang “Apply Now” button na nasa ibaba ng Be A Seller.
- Pagkapindot sa “Apply Now”, ikaw ay mapupunta sa “Seataoo Merchant Entry Contract” at sa ibaba nito ay pindutin ang “Agree”
- Pagkapindot ng “Agree” button ay mapupunta ka na sa Registration page. Dito ay i-type ang kumpletong pangalan at ilagay ang iyong active Email Address. Sa ibaba nito ay makikita mo ang salitang “Verify”.
- Pagkapindot sa “Verify” ay pumunta sa iyong email address upang hanapin ang Verification Code na ipapadala ng Seataoo kaugnay ng iyong ginagawang store registration. Kopyahin ito at isulat sa space provided for the Store Code.
- Mag-isip at mag-type ng desired password na ikaw lang ang makakatanda at makaka-alam. Huwag itong ibigay kahit kanino kahit sa mga Account Specialist ng Seataoo at kahit sa akin ay huwag ninyo itong ibibigay.
- Sa ikalawang pahina ng Registration page ay tungkol na sa iyong store. I-type ang naisip na pangalan ng Store. Ilagay din ang gagamiting na Referral Code. Maaaring mamili sa mga sumusunod na “Referral Code”.
- Professorvincent
- 10585904St
- 545370N9B9
Ang paggamit ng Referral Code ay mahalaga sapagkat magkakaroon kayo ng assigned o dedicated account specialist na makakatulong sa inyo kung sakaling magkaroon ng Technical Problems. Dahil tanging mga Dedicated Account Specialist lamang ang makakapag-extract ng inyong mga data.
Ang inyong lingcod ay may kakayahan ding i-extract ang inyong mga data dahil ako po ay bahagi ng partner’s program ng seataoo at mayroon kaming admin access para sa mga orders na inyong pinaprocess.
Mamili din ng ID na gagamitin sa inyong pagkakakilanlan. Kung ikaw ay isang OFW, maaari mong isulat ang iyong mobile number na ginagamit. Ang mahalaga ay mayroong active email address.
Pindutin ang “Register Your Shop”
- After clicking the “Register your Shop”, maghintay ng 5 hanggang 24 na oras para sa approval ng iyong store. Ikaw ay makakatanggap ng email mula sa Seataoo upang ipaalam na approve na ang iyong store.
Paano Maglagay ng Product sa Seataoo?
Kapag approved na ang inyong store ay maaari ka nang maglagay ng mga Products sa iyong iyong Store. Sa mga nag-uumpisa, mahalaga na pag-aralan mo muna ang takbo at performance ng inyong store sa loob ng isa hanggang 3 buwan. I-assess mo muna kung ilang orders ba ang natatanggap mo kada araw at sa loob ng every 15 days to 1 month. Magkano ang kinakailangang budget mo para ma-proseso ang bawat pending orders mo.
Kinakailangan kasing makapasa ka sa bawat evaluation period ng Seataoo. Dito ay ina-assess ng Seataoo ang performance ng ating mga store. Siguraduhing makapasa sa requirements na 55% of the orders ay maipasa natin tuwing evaluation. Nagaganap ang evaluation tuwing ika-12 midnight ng 15th of the month at ang ikalawang evaluation ay 12 midnight ng katapusan ng buwan (either 30 or 31st of the month, and 28 or 29 naman kung Pebrero).
To start, mamili lamang ng Sampong (10) Produkto na nagkakahalaga ng P215 pesos pababa. 7% po ang profit ng mga produktong nasa less than 301 pesos. Kung may makikitang mas mababa sa 215 pesos ay mas Maganda dahil mas kakayanin ninyong i-process ito lalo na kung mababa ang budget. It is expected na may mga buyers na dalawa hanggang tatlong items ang bibilhin kaya po dapat less than P215 muna ang ibentang produkto.
- Maglog-in sa iyong account gamit ang iyong registered email at password. Pindutin ang Verification Code para makapag-login (sa mga newly approved kailangang ma-verify). Buksan ang email upang hanapin ang Code.
- Pindutin ang “Products” sa kaliwang bahagi ng account.
- Pindutin ang “Product Warehouse”.
- Hanapin ang 7% na nasa rate section. Ito ay makikita kapag pinindot ang “Product Warehouse”. Pagkatapos piliin ang 7% ay pindutin ang “filter”
- Piliin ang mga produktong mababa sa P215 pesos sa pamamagitan ng pag-tick sa maliit na box sa kaliwa ng mga pangalan ng produkto. Mangyaring maging mapanuri at tumingin sa “Purchasing Price”.
- Kapag nakapili na ng Produkto ay pindutin ang “Batch Published”.
- Upang matiyak kung sampo na ang napiling produkto ay pumunta sa Dashboard.
- Kapag nasigurong sampo na ang produktong nakagay ay maghintay na lamang ng mga Orders.
Paano Maglagay ng Fund sa Wallet Balance ng Seataoo?
Maglagay lamang fund kung mayroon ng mga orders na pumapasok. Hanggat walang orders ay wag munang maglagay ng funds. Panoorin ang mga Video tutorial kung paano mag-fund o kaya naman ay kausapin ang Dedicated Account Specialist. Maaaring magtanong din sa taong nagmamay-ari ng Referral Code na iyong ginamit o sa mga naunang mga sellers. Sumali sa mga GCs upang laging updated. Umattend din sa mga Webinars.
Paano Magprocess ng mga Orders?
Kapag may mga Orders na ay kailangang pondohan mo na ang Wallet Balance mo dahil doon babawasin ang mga perang gagamitin mo to process and fulfill the pending orders.
- Pindutin ang “Orders” tab. Kapag hindi pa napaprocess ang orders ay makikita sa status ang “Paid” at “Unpicked” na ang ang ibig sabihin ay bayad na ang buyer or customer pero hindi pa natin napa-process ang order nito.
- Sa pagkakatong ito, kailangan mo nang i-process ang mga pending orders ayon sa allowable daily spending mo. Basahin at intindihin ang mga Tips and Strategies. Pindutin ang “Eye” button na nasa kanang bahagi ng pending order.
- Pagkapindot sa “Eye” button ay mapupunta ka sa isang icon na katulad ng nasa larawan.
- Pindutin ang “Payment Pickedup” upang ma-process ang order.
- Pindutin ang “Comfirm” button na nasa gitna ng icon.
- Pagkapindot ng “Confirm” button ay pindutin ang “My Wallet”. Sa Freezing Money mapupunta ang “Order Amount”. Kasama na ang Kapital at Profit o Tubo mula sa produktong na process.
Ano ang susunod na steps kapag nakapag-process na?
Ayon sa current policy ng Seataoo about delivery of the purchased and processed products ay bibilang tayo ng 10 hanggang 15 days sa pagdeliver ng mga produkto. Kapag nadeliver na ang mga produkto sa mga buyers ay maghihintay pa tayo ng Tatlong Araw (3) para sa tinatawag na after sales at pagkatapos ng tatlong araw ay babalik na ang pera natin kasama ang tubo o profit na ating hinihintay.
Sa mga nag-uumpisa pa lamang, mahalagay na araw-araw ay nagpa-process tayo ng mga pending orders dahil araw-araw ay may mga orders. Kailangan nating maging consistent sa pagpa-process ng mga orders upang maging consistent din ang balik ng ating pera sa Wallet Balance.
Samakatwid, babalik ang ating pera sa loob ng 17 hanggang 21 to 25 days. Kalimitang bumabalik sa ating Wallet Balance ang pera sa ika-17th days.
Tips and Strategies
Ang mga Tips and Strategies na nakasulat dito ay proven effective dahil dumaan ito sa mahabang proseso at experience ko bilang seller. Ginamit ang mga ito at inapply sa sariling store upang maging gabay ng maraming sellers.
Sa Mga Bagong Sellers na mababa ang kapital (Php. 35,000 and below capital)
- Mag-publish ng 10 produkto na nagkakahalaga ng hindi tataas sa 215 pesos. Ito ang mga produkto na may 7% Mark-up.
- Divide your estimated capital into 20 days. Sa loob ng 20 days pa lamang mag-uumpisang magbabalikan ang inyong kapital na inabono sa mga orders ng inyong mga customers kasama na ang inyong tubo o kita. Huwag na huwag mong lalampasan ang halaga ng iyong daily spending. Kung may 20,000 kang kapital, mag-process lamang ng mga pending orders na nagkakahalaga ng hindi lalampas sa 1,000 pesos bawat araw.
- Gamitin ng tama ang Holiday o Vacation Mode. Magbakasyon na tuwing ika-12th ng buwan hanggang ika-15th ng buwan at ang tuwing ika-25th hanggang 28th ng buwan. Pagsapit ng ika-16th ng madaling araw ay i-turn off na ang holiday mode dahil ito ay magtutuloy-tuloy hanggang maubos ang limit na 7 days.
- Maaari ring magbakasyon na tuwing ika-9th ng buwan hanggang ika-15th ng buwan kung ikaw ay may mababang budget at hindi nakakayanin pang iproseso ang mga pending orders.
- Bukod sa Holiday Mode o Vacation Mode, maaring humingi ng tulong kay [email protected] sa pamamagitan ng pagsesend ng email na kung maaari ay bawasan ang visibility ng iyong store upang kahit papano ay mabawasan ang dumadagsang bilang ng mga orders. Gamitin din ang “Question Submission” na nasa mobile application o kaya naman ay ang “Support Ticket” kapag nag-log-in gamit ang laptop o personal computer.
- Isulat o ilagda ang lahat ng orders na pina-process upang sa gayon ay magkaroon ka ng ideya kung kailan mag-uumpisang magbabalikan ang mga perang inilabas mo; upang ma-estimate mo ang mga perang babalik sayo; upang malaman kung kailan babalik ang pera mula sa “Freezing Money” papunta sa “Wallet Balance”.
- Kung araw ng Evaluation subalit naghihintay ka ng perang babalik mula sa “Freezing Money” papunta sa “Wallet Balance”, gawan mo muna ng paraan na maabot ang required “Processing Rate” na 55% sa pamamagitan ng pagre-recharge sa iyong wallet balance. I-withdraw mo na lamang ang nasa Wallet Balance mo kung sakaling bumalik na ito. Ang mahalaga ay hindi ka bumagsak sa processing rate.
- Kung wala kang ine-expect na perang babalik mula sa Freezing Money, gawan mo ng paraan para ma-meet ang Processing Rate dahil at the end of the day ay ikaw pa rin naman ang kikita at makakaiwas ka pa sa mga deductions na maaaring ipataw.
- Kapag alam mo na ang mga proseso at pasikot-sikot ng negosyong ito, maaari mong idiscuss sa iyong mga kaibigan, kakilala o sa ibang tao upang sila ay maging affiliate/s mo. Ang 3% na commission rate na ibibigay ng Seataoo sayo ay malaking tulong upang mapondohan mo ang iyong store. Sa bawat produktong ipa-process ng iyong affiliates ay makakatanggap ka ng 3% mula dito. (Note: hindi kukunin sa kita ng iyong affiliates ang 3%, Seataoo ang magbibigay nito sayo bilang rewards.) The more affiliates you have, the more funds to use para ma-process ang iyong pending orders.
- Gumawa ng second or third accounts at ipangalan ito sa iyong pinagkakatiwalaang kamag-anak. Gamitin mo ang iyong personal referral code. Ang pangalawa o higit pang accounts ay magsisilbing affiliates mo.
- Kung mayroong sapat na pondo ka na at kaya mo nang patakbuhin ang mga accounts mo, lagyan mo ng mataas na pondo ang pangalawa at susunod na mga accounts upang Malaki ang 3% na papasok sa iyong main account.
- Huwag na huwag mong pababayaan ang main account mo dahil mawawalan ng saysay ang pagkakaroon ng affiliates kung sakaling ito ay magsara. Wala ka na ring kikitain mula sa mga affiliates mo kung magsara ang main account mo.
- Kung hindi ka pa nakakagawa ng Seller Account (Observers pa lamang), gumawa ka ng Seller’s account tuwing ika-9th or ikaw 20th th of the Month at mamili ng mga produktong hindi tataas sa 250 pesos upang pumasa sa Evaluation period at gamitan ng mga stratehiyang nabanggit sa mga naunang letra mula letrang a to l.
- Tuwing sasapit ang unang araw-ng buwan, huwag mo nang i-process ang mga natirang pending orders mula sa nakaraang buwan. Mag-focus ka na sa kasalukuyang buwan dahil mula 1st day to 15th day of the month ang coverage ng unang evaluation.
Sa mga Bagong Sellers na may sapat na kapital (Mga Sellers na may Flexible Capital Mula 35,000 pataas)
- Maglagay ng mga 10 produktong may 7% mark-up o mga produktong nasa 230 pesos pababa at at isang produktong nasa 8% to 12% Mark-up (pwedeng 15,000 to higit pa depende sa budget.)
- Mag-process ng 12% ng tatlong araw mula 8th to 10th and 18th to 20th of the month.
- Subukang Mag-level up mula sa 7% mark-up ay magpalit o magdagdag ng mga produktong may 8% Mark-up. Limang produktong may 7% Mark-up at Limang may 8% Mark-up.
- I-publish ang produktong may 8% to 12% Mark-up tuwing ika-10th day and 20th day of the Month upang makatulong sa pagprocess ng mga produktong may 7% Mark-up tuwing araw ng Evaluation. Ang 20,000 pesos halimbawa kung iprocess mo ito ng 10th day of the month ay maaaring bumalik sa wallet balance mo bago magkatapusan ng buwan kasama na ang tubo nito. Sa pagbabalik ng 20,000 ay may tubo na itong 2400. Ganun din ang mangyayari kung magparocess ka ng 20,000 tuwing ika 20th of the month dahil may inaasaan kang pondo bago ang 15th Kung Ganito ang istratehiyang susundin, may compounding capital kang 4800 sa isang buwan at kung gagawin mo ito sa loob ng 3 o higit pang buwan ay madodoble ng madodoble ang iyong kapital. Kung may kapital kang higit sa 100,000 pesos ay mas malaki ang iyong kita lalo na kung may isang milyon.
- Kahit may sapat na budget ka na ay panatilihing gamitin ang mga support system na aking nabanggit sa itaas katulad ng Holiday Mode, pag-email kay [email protected] at iba pa.
- Tuwing sasapit ang unang araw-ng buwan, huwag mo nang i-process ang mga natirang pending orders mula sa nakaraang buwan. Mag-focus ka na sa kasalukuyang buwan dahil mula 1st day to 15th day of the month ang coverage ng unang evaluation.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
- Importante ba ang gumamit ng Referral Code? Yes, dahil sa paggamit ng Referral Code ng mga unang Sellers na katulad ko, ang mga gagamit ng aking referral code ay mayroon na kaagad na dedicated account specialists na tutulong sa mga technical concerns.
- Ilang araw ang delivery ng mga produkto? Based on the policy, there are 10 to 15 days period upang ideliver sa mga customers ang mga orders. There are cases where orders are delivered in 16 to 25 days but ito ay rare cases lamang. Mas marami ang mga produktong nadedeliver sa loob ng 14 days based on my records.
- Kailan babalik ang kapital? Tatlong araw matapos matanggap ng ating mga customers ang kani-kanilang mga orders y babalik na ating kapital kasama ang ating kita o tubo.
- Ilang araw ang Holiday Mode? There are 7 days or 7 times equivalent to 168 hours.
- Maaari bang hatiin ang Holiday Mode? Yes, choice and decision mo ito kung 4:3 ang ratio ng paggamit nito. 4 na araw bago ang 15th of the month and 3 araw bago ang 28th of the month.
- Ano ang mangyayari kapag naka-holiday mode? Hindi ka makakatanggap ng mga orders; subalit patuloy na gagana ang lahat.
- Nagtutuloy ba ang Holiday Mode kung hindi maubos ang 7 araw o 168 hours sa isang buwan? Hindi, magrereset ito buwan-buwan at hindi pwedeng i-carry over o i-offset. Forfeited ang natitirang holiday mode kung hindi ito nagamit.
- Tuwing kailan ba ang Evaluations? May dalawang evaluations sa loob ng isang buwan. Ang unang evaluations ay nagaganap tuwing ika-12 midnight ng 15th of the month at 12 midnight ng katapusan ng buwan.
- Ano ang required Processing Rate? Ang required processing rate ay 55%. Ibig sabihin kailangan mong mag-process ng 55% of orders na natatanggap mo tuwing araw ng evaluations.
- Ano ang mangyayari kung hindi nakapasa sa Evaluations? Magkakaroon ng penalty or deductions mula sa mga produktong na-process mo during the covered period of evaluation.
- Kapag nagsara ang Store sa Seataoo, makukuha pa rin ba natin ang ating pera? Yes, hindi ka na makakatanggap ng mga orders subalit mananatiling accessible ang ang access mo sa wallet at hintaying madeliver ang orders ng customers at bumalik ang pera mula sa freezing money papunta sa wallet balance. Kapag ito ay nasa wallet balance na ay maaari mo na itong i-withdraw.
- Marere-open ba ang closed store? Hindi na dahil nakalagda na ito sa mga blacklisted accounts.
- Makakagawa pa ba ng bagong Store kung sakaling mag-close ang store? Yes, kailangan mo lamang gumamit ng bagong email address.
- May timing ba sa withdrawal ng pera? Yes, based on my experience ang withdrawals ay tuwing ika 6:00am hanggang 9:00am ng umaga upang matanggap ito bago magtanghali. Maaaari ring magwithdraw tuwing 9:00am to 1:00pm at matatanggap mo ito ng mga around 3:00pm to 4:00pm. Maaaring mag-withdaw mula Lunes hanggang Biyernes lamang. Maaari rin namang mag-initiate ng withdrawal tuwing Sabado at Linggo subalit ito ay magrereflect na sa Lunes ng umaga.
- May Charge ba ang withdrawals? Yes, 1% o maximum of 300 pesos.
- Pwede bang magpalit ng mga produkto? Yes provided na dapat ma-process mo muna ang mga pending orders dahil baka ma-delete mo ang produkto and then after deletion ay saka mo iprocess.
- Kailan safe magpalit ng mga produkto? Tuwing unang araw ng buwan. Magpublish ka muna ng mga bagong produkto saka mo idelete ang mga gusto mong idelete kahit may pending pa.
- Ano ang Overdue Orders? Ang overdue orders ay mga pending orders na hindi na-process in 10 days. Kapag naging overdue ang mga orders, we can no longer process the orders dahil mawawala na ito sa pending lists of orders natin.
- Makaka-apekto ba ang Overdue Orders sa ating Processing Rate? Yes and No. Yes kung wala na tayong natitirang pending orders and there is no way para mahabol ang processing rate. Pero kung marami pang pending orders, iprocess natin ito hanggang tumaas ang processing rate.
- Kailangan pa bang i-process ang mga pending orders na maiiwan sa pagpapalit ng buwan? Not compulsory. Kung limitado ang budget, huwag mo nang iprocess ang mga naiwang pending orders. Mag-focus ka na sa mga orders na matatanggap mo sa uang araw ng buwan.
- Pwede bang maging seller ang OFWs? Yes, provided na mayroong local bank, o kaya ay Digital Bank katulad ng CIMB, Paymaya, GCASH at ibang bangko na accessible sa bansa kung nasaan ang OFWs.
- Pwede bang maging seller ang Foreigner? Yes and No. Yes kung may kakilala at mapagkakatiwalang pinoy o pinay o partner nila sa buhay lalo na kung walang local banks accounts dahil Pwede naman nilang gamitin ang bangko ng kanilang mapagkakatiwalaan.
- Mga dapat gawin kung may problema sa withdrawals? Ang policy about withdrawals ay matagal ng nakasulat at lagi kong sinasabi na 3 to 5 business days upon approval. Meaning, kapag nagwithdraw tayo, hihintayin natin na magbago ang status nito mula sa “PENDING” at mapalitan ng “APPROVED”. Kapag Approved na ay doon mag-uumpisa ang 3 to 5 Business Days. Maaari ring mag-send ng email sa [email protected].
BEST Strategy to Earn a Million Pesos with Seataoo.
Mga Email na Dapat Kausapin kung may Problema:
- Customer Service Email: [email protected]
- Operational Issues Email: [email protected]
- Recharge issues Email: [email protected]
- Withdrawal issues Email: [email protected]
- Order Issues Email: [email protected]
- Product Issues Email: [email protected]
- Store promotion Email: [email protected]
- Refund Issues Email: [email protected]
- IT technical support Email: [email protected]
(NOTE: Maghintay ng 24 Hours para sa approval ng inyong Store Registration. Ikaw ay makakatanggap ng Email mula sa Seataoo informing you that your store has already been approved.)