June 20, 2024

  

Filbert Catalino F. Flores III                                                                                                                                                                                                                            Office of the Director                                                                                                                                                                                                                                      Securities and Exchange Commission

 

Dear Sir Flores,

 Good Day in behalf of our Lord.

Marami po ang nagulat, kinabahan at natakot nang inilabas ng Securities and Exchange Commission particularly ng Enforcement and Investor Protection Department ang Revocation Order for New Seataoo Corporation on the basis of misrepresentation na sa aking pag-intindi ay may mga indibidwal o grupo na nagreport na ang Seataoo ay nag-so-solicit or asking money in the form of an investment.

Dahil po sa report na yan, Seataoo was tagged as a form of an investment and therefore doing a Ponzi Scheme Strategy. Ito po ang nagbunsod sa SEC para mag-issue ng Revocation Order against New Seataoo Corporation.

I’m writing po on behalf of entrepreneurs and legitimate sellers of the platform. Hindi po ako binayaran, kinausap, and related to any officers, employees of New Seataoo Corporation para ipagtanggol ang kumpanya sa mga nabanggit na reports.

As an entrepreneur and seller sa Platform for the past 1 year, NEVER and NO INSTANCES po that Seataoo was Soliciting nor asking Money in the form of an Investment. Never encountered any instances na people, or employees ng Seataoo na nagpadala sa akin ng email or any message na nanghihingi po sila ng pera.

Gumagamit po ang Seataoo ng Dropshipping Business Model with Payment Hold System. Ang Payment Hold System po ay ginagawa at ina-apply na po sa maraming platform and business upang maprotektahan ang both sides specifically Sellers and Buyers.

Bigyan ko po kayo ng platform na kung saan ay ganito ang gawain-Upwork.com. Sa Platform na ito ay may mga kumpanya at applikante ang gumagawa ng accounts. Sa mga kumpanya, sila ay gumagawa ng “Client” Account sa Platform at ang mga aplikante or mga skilled professionals naman ay gumagawa ng “Freelancer” Account.  Kung ang kumpanya ay naghahanap halimbawa ng isang Virtual Assistant, ilalathala lamang nito ang kanilang vacancy at ang buong detalye ng trabaho kasama na ang salary offer sa mapipiling aplikante. Kapag po nagkasundo ang kliyente at aplikante ay iha-hire na ng kliyente ang aplikanteng napili.

Bago mag-umpisa ang hired applicant sa trabaho ay ipapasok ng kliyente ang kanilang payment method at ang professional fee or salary ng hired employee sa platform. Ito ay naka-hold sa ESCROW Account, bilang garantiya na magbabayad ang kumpanya at hindi makakatakas sa kanyang responsibilidad to pay their employees.

Sa case po ng Seatoo, we as a seller ay magpapasok ng pera sa wallet account ng platform, ito ay hindi tutubo, hindi madadagdagan at hindi magkaka-interest at lalong walang pangako mula sa Seataoo ng any lucrative profits KUNG hindi po namin gagamitin ang perang ipinasok namin to process the orders ng aming mga buyers.

Kung gumawa kami ng Seller’s Account at hindi namin prinocess ang mga orders, mananatiling naka-deposit ang pera namin sa platform at hindi ito tutubo. We can always withdraw our money anytime we wanted to as long as nasa Wallet pa lamang ito. Dahil hindi pa namin ginagamit ang pera to process the orders ay hindi ito mababawasan, hindi din ito tutubo.

In the case of affiliate system where we as a root sellers receives 3% Commission, this is not related to Ponzi Scheme system. Halimbawa po, ako ay root seller and I introduce the business sa aking kakilala. Ipinaliwanag ko sa kakilala ang Negosyo at kung paano kumita sa Dropshipping business and after few hours of discussion ay gumawa ito ng seller’s account at hindi nagpasok ng pera sa kanyang Seller’s Wallet. WALA po akong makukuhang any commission from that person.

If in case, nagpasok ng pera ang kakilala ko at nagpasok ng pera. After few day ay nakatanggap ito ng mga orders, and therefore he processed. Halimbawa pong nagprocess siya ng order na kung saan ay may profit or tubo siyang 14 pesos. Kapag po natanggap ng kanyang buyer ang order nito, saka pa lamang ako makakatanggap ng 3% commission, BUT the profit he earned was still 14 pesos. Meaning, the commission I got was not came from or hindi binawas sa aking kaibigan na naging seller. Ito ay ibinigay ng Seataoo sa akin as a reward upang dumami pa ang mga sellers to caters the orders coming from different countries.

Maraming mga buyers ang mula sa ibang bansa ang nag-post sa kanilang facebook and dumating naman sa kanila ang mga orders nila sa Seataoo. Ako rin po ay ilang beses ng bumili ng mga produkto sa Seataoo ay nagagamit ko naman. Ito ay taliwas sa sinasabi ng ibang indibidwala na hindi totoo ang mga produkto. Na ang lahat ay pawang mga larawan o picture lamang na gaya ng sinasabi ng isang lawyer vlogger na si Atty. Libayan.

May nabasa din akong report na ang Seller Store ay hindi totoo at wala talagang seller store na kung saan ay nakakabili ang mga buyers. Ito po ang link ng aking store where you can buy products – https://seataoo.com/shop/Etech-International-E-Commerce-Store-60219

Therefore, there is no misrepresentation or any fraudulent transactions ang New Seataoo Corporation. On behalf of Sellers, ako po personally ay nagulat at natakot sa Revocation Order na inilabas ng SEC. Sa totoo lang po, wala pa po akong nakakausap na nawawalan ng pera, nababawsan ang pera, at hinhingan ng SEATAOO ng PERA kaya nagtataka ako at humantong sa ganito ang sitwasyon.

Isa sa mga bagay na kumuha ng aking attention ay ang mga nababasa kong mga post sa Social Media at maging sa SEC Revocation Order ay ang pagsasabing SEATAOO is selling securities to the public. Seataoo is soliciting or asking money in the form of investment.

Let me just define Securities and saan ba nakakabili o nakakapagbenta ng securities. Mahalagang malaman natin ito para ma-establish kung may substance ba ang mga reports against Seataoo that indeed the company is selling such Securities.

What is Securities?

1. Securities shall include bonds, debentures, notes, evidences of indebtedness, shares in a company preorganization certificates or subscriptions, investment contracts, certificates of interest or participation in a profit sharing agreements, collateral trust certificates, equipment trust certificates.. (Watch my YouTube)

Where to Buy Securities?

Ang mga Individuals, Organizations, Fiduciaries, and Corporate investors ay maaaring makabili ng mga tinatawag na Securities sa mga bangko, broker or dealer.

Halimbawa ay sa eForex, Colfinancial, Philippine Stock Exchange at iba pang brokers.

Ang tanong ko po dito, nagbebenta nga ba ng Securities ang SEATAOO? Listed ba ang Seataoo sa Philippine Stock Exchange. Kung hindi nakalista ang Seataoo sa PSE, papano sila makakapagbenta ng Securities at saan bibili ang mga tao. Parang papano ka bibili sa hardware store ng mga bigas, asukal kape at ibang commodities kung hardware products lang ang kanilang binebenta? (Watch my YouTube)

Maraming mga maralita, mga OFWs ang nabigyan ng panibagong hope at pag-asa na dahil sa Seataoo ay nakakita ng pag-asang makaka-ahon sa kahirapan at hindi na kailangan pang mangibang-bansa upang maibigay sa kani-kanilang pamilya ang masaganang buhay at maiahon ang pamilya sa kahirapan.

 

MGA KATANUNGAN KO PO SA INYO:
  1. What led SEC to question the Primary and Secondary Purpose of Seataoo?  – May ginawa po bang ibang activities ang SEATAOO na taliwas sa Primary and Secondary Purpose? Is there a verified and substantial proof?
  2. Mayroon po bang Verified Complaint na kung saan ay may substantial evidence ang nagrereklamo para sabihing INVESTMENT COMPANY ang Seataoo?
  3. May na SCAM ba ang SEATAOO? Bakit at sa paaanong paraan ba na-scam ang Seataoo?
  4. May isinumite bang Non-Forum Shopping ang nagco-complaints Agaist Seataoo? A Formal Complaint?
  5. Have you invited a legit seller for fair investigation?