Ang Pagsasabi ng Katotohanan ang Magbibigay Sa Atin Ng Kaliwanagan: May Kulang Ba o Dagdag sa aking Kwento?
Dear Sir Flores III:
Good Day in the name of our Lord.
In March 2023, driven by curiosity and inspired by videos from early adopters and a renowned financial coach (Mr. Chinkee Tan) and early 2023 from the Influencer (MJ Lopez), I decided to create an account as a seller with New Seataoo Corporation. After creating a Seller Account, hindi ko pa rin inumpisahan ang sinasabing pagbebenta ng mga produktong katulad ng mga sporting goods and apparel and other items na nasa platform. Sa madaling salita, hindi pa rin ako nagpapasok ng pera sa Wallet Balance dahil na rin kakulangan pa ng mga impormasyon.
Ilang araw, lingo at buwan ang lumipas ay labis akong nababahala dahil sa patuloy na pagdami ng mga orders na hindi ko magawang iprocess dahil sa takot na maglagay pa rin ng pera sa Wallet Balance. Takot dahil wala akong makausap kahit mga Customer Service Representative ng Seataoo ay hindi ko man lang makausap. I have been calling the office for so many times, and I have been chatting the chat support but to no avail.
April 26, 2023 at around 1:26PM ay nakausap ko sa messenger ang isang Account Specialist na nagngangalang Jheremy Callada ay ang sabi sa akin, “Goodafternoon Sir I’m Jheremy Account Specialist ni Seataoo Philippines.”. Ito ang huling mensahe o sagot sa akin ng Account Specialist.
From April 26 hanggang June 15, 2023 ay wala na akong natanggap na sagot mula kay Jheremy. Umaga ng June 15, 2023 a ay naisipan kong mag-chat muli sa Customer Support at dahil sa mga tanong sa aking isipan ay napamura talaga ako at sinabing, “Ano ba wala namang sumasagot, SCAM nga ba talaga kayo”. After few minutes ay may sumagot sa chat and I was advised na may tatawag sa aking Account Specialist. Ilang sandali pa at may nagmessage na Account Specialist sa akin.
After lunch ng June 15, 2023 at around 1:12PM ay nag-usap na kami via Zoom ni Jheremy upang linawin ang proseso ng Seataoo. Ipinayo sa akin ni Jheremy na gumawa na lamang ako ng bagong account dahil masyado na raw Malaki ang mga aabonohan kong mga orders at baka hindi ko na ito ma-process pa dahil umabot sa halos 500k na ang halaga ng mga orders na aking natatanggap. Seataoo na lamang daw ang magpa-process ng mga orders na hindi ko kayang i-fulfill. Gumawa ako ng bagong Seller’s Account noong araw na iyon. (June 15, 2023).
maga ng June 17, 2023 (9:50am) ay nag-message sa messenger sa akin si Ms. Jheremy at sinabihan ako na Pwede na mag-recharge dahil may pumasok ng orders sa store ko.
June 17, 2023 at around 11:41 ng hapon ay nagpasok ako ng 5110 sa aking wallet balance upang maprocess ang orders na aking natanggap. June 23, 2024 ng una akong bumisita sa Opisina ng Seataoo. Ang purpose ng aking pagbisita ay magpaturo sa aking account specialit kung paano o ano pa ang mga process na dapat kong matutunan sa pagiging seller.
June 26, 2023 at around 6:36AM ay nag-message ako kay Ms. Jheremy upang humiling ng isang discussion sa Legal Team at sa Business Development Team upang magtanong ng mga legal at technical na bagay.
Nangyari ang pag-uusap namin ng isa sa mga Top Executive ng Seataoo na si Mr. Joseph Ty Metrado. Tumagal ito ng higit isang oras dahil sa naging mabusisi ako sa mga pagtatanong at pagsisiyasat ng mga impormasyon tungkol sa Seataoo. Kasama namin sa loob ng conference room ay ang aking Account Specialist na si Ms. Jheremy.
Ilan sa mga napag-usapan at naitanong ko ay ang pag-alis ni Mr. Chinkee Tan bilang company brand ambassador at ang pumalit ay ang isang Influencer na kilala sa networking industry. The reason why I asked is dahil na rin sa magiging mukha ng Seataoo na mula sa isang Negosyo ay nahaluhan ng kulay at para bang nagiging networking business dahil na rin sa estilo ng pagpapakilala ni MJ Lopez sa kumpanya. Ang tanong ko pa nga, maganda na si Mr. Chinkee Tan dahil isa itong financial coach at negosyante at talaga namang makikilala ang seataoo bilang isang lumalaking Negosyo. Lumalabas kasi na nagiging networking na ang kumpanya at ito ay nakakabahala sa mata ng marami.
Ang naging sagot sa akin ni Ms. Joseph Ty ay hindi naman parte ng kumpanya si Mr. Chinkee Tan at ang kanilang ugnayan ay naging endorser lang o brand ambassador upang makilala ang kumpanya. Dahil maikli ang naging partisipasyon ni Chinkee Tan ay kailangan nilang humanap ng mga negosyanteng magiging ambassador o tutulong sa kanila upang makilala ito. Noong panahon na iyon, tanging si MJ Lopez lamang ang nagpaunlak sa kanilang imbitasyon.
Diniretso ko si Mr. Joseph Ty sa pagsasabing hindi fit at tugma si Mr. MJ Lopez dahil nagbabago ang image ng kumpanya at nagiging networking. Isa lang ang naisagot sa akin ni Joseph Ty, wala na silang magagawa dahil nakapirma na daw ng kontrata at pinayagan na ng kumpanya. Nais niyang ipahiwatig na hindi siya ang tao na nasa likod ng pag-hire kay MJ Lopez which is hindi ko na inurirat pa kung sino ang kumuha o pumirma sa kontrata ni MJ. Lopez.
Given na MJ Lopez is in, I also questioned all his video. MJ Lopez should focus on the different strategies on how to earn with Seataoo. Explain how it works and he should talk or emphasize the business as business and avoid highlighting the Referral Code, avoid highlighting the 3% Commission because it was a networking terminology. All he said was, matigas ang ulo ni MJ Lopez at hindi pumapayag sasabihan siya ng mga dapat niyang sabihin. Kumbaga, it’s up to him kung anong sasabihin niya sa public when he shoot video.
I also asked the name of the company which is Information Technology OPC and prior sa pagpunta ko doon ay nakatawag na ako sa Securities and Exchange Commission upang tanungin ang nature ng kumpanya at sabi ko ay mali ang ginagawa nila. Hindi E-Commerce ang nakalagay sa Information Technology OPC Article of Incorporation. In that case, that is mis-representation of business. Sinagot naman ako ni Joseph Ty na inaayos na ng kanilang abogado ang company registration. Sa madaling salita, alam nila na mali ang ginagawa nilang E-Commerce sa nakasulat sa Article of Incorporation ng Information Technology OPC. It was confirmed by Atty. Benjamin Magadia ng dumating ito sa opisina at pumasok sa conference.
Tinanong ko rin at kinumpara ang Amazon na matagal na Industriya subalit hindi nito kayang magdeliver sa buong mundo dahil sa mga country restrictions gaya ng mga requirements sa Customs. At hindi rin ganoon karami ang sa tingin ko ay bumibili. Ang tanging naisagot sa akin Mr. Joseph Ty ay may mga partners ang Seataoo na kung saan ay naka-publish ang mga produkto. Bukod pa sa mga technology na ginagamit sa pagbebenta katulad ng mga SEM, SEO at PPC. May mga live selling din daw na ginagawa. Iba’t ibang marketplaces where products are published.
I’ve also asked the estilo ng Dropshipping business na ginagawa ng Seataoo. Hindi ito yung traditional na alam ng maraming mga sellers. Ayon kay Joseph Ty, ginagawa naman daw ito na ng mga Dropshipping business gaya ng Alibaba. In fact, the strategies daw ng Dropshipping business model ng Seataoo ay naka-pattern daw sa Alibaba. Hindi naman na ako nagtanong pa o nag-elaborate further dahil sa tingin ko ay business matter na ito at tanging dapat sila lamang ang makaka-alam upang hindi magaya ng mga competitor. It is enough for me where they patterned the operation or strategies.
Natanong ko rin ang mga partner logistics dahil nakapagtataka na nagagawa ng kumpanya ang mga pagdeliver ng mga orders saan man panig ng mundo. Hindi naman daw tumitigil ang kumpanya sa pakikipag-usap sa mga logistic partners upang mas mapabilis ang pagdeliver sa mga orders ng mga customers. Ipinaliwanag din ni Joseph Ty na kaya daw naging 10 – 15 days ang delivery timeframe ng mga products sa customers ay dahil sa ganitong mga effort na kanilang ginagawa. Noong nag-uumpisa ang Seataoo, nabanggit ni Joseph Ty na umaabot pa nga daw ng halos isang buwan o higit pa ang delivery ng items to the customers and because of the effort and for seeking logistic partners ay nabawasan ang delivery timeframe.
I also asked the future plans of the company and what should we expect in the coming months or years. He mentioned about the business expansion somewhere in Bicol o naga at ibang mga probinsya dahil nandoon daw ang greater market. This is to make sure that mas mailalapit sa mga probinsya ang mga produkto ng Seataoo.
Naitanong ko rin ang mga bashers at mga naninira sa kumpanya kung anong aksyon ang ginagawa nila upang mapigilan ang pagkalat ng mga akusasyon. He also mentioned na ang corporate lawyer ay gumagawa naman ng aksyon at may mga nasampolan na daw na at nabigyan ng mga demand letter. Ang iba daw ay humingi na ng paumanhin sa Seataoo for their malicious accusations.
Passed 12 noon ng dumating ang abogado ng Seataoo na si Atty. Benjamin Magadia. Dahil halos lahat ng mga tanong ay nasagot na rin naman ni Joseph Ty, ay ilang paglilinaw nalang ang aking natanong sa abogado katulad na lang ng company registrations. Mula daw ng siya ay ma-hire noong March 2023, inuna niyang ayusin ang company registration ng Seataoo at siya ang dahilan upang ito ay maging New Seataoo Corporation. Nabanggit din sa akin ni Atty. Magadia na may mga ilang personalidad na silang napadalhan ng demand letter. Nabanggit din ni Atty. Magadia na okay na ang company registration at sinabihan pa ako na dumaan sa bulletin ng company dahil nakapaskil na daw ang bagong pangalan ng kumpanya – New Seataoo Corporation.
Doon na ako nananghali sa kumpanya. Dahil sa mga paglilinaw at sa mga pagbabago sa kumpanya ay lalo akong nagpursige na itodo pa ang pagiging seller at tuluyang kinalimutan ang mga naririnig na hindi maganda tungkol sa kumpanya. Nag-focus ako sa personal at due diligence assessments tungkol sa New Seataoo Corporation.
August 1 to 8 ang isa sa mga problema na kinaharap ng maraming sellers dahil kapansin-pansin na wala halos kaming kita o walang bumabalik na pera sa aming wallet balance. May mga orders na higit 20 days na pero hindi pa rin nakakarating sa mga buyers ang mga orders nila. Bilang seller ay nangangamba kaming lahat dahil kailangan namin ng pera upang iprocess ang mga natatanggap naming mga orders. Pero hindi babalik sa wallet balance ang mga kapital namin hanggat hindi successfully delivered ang mga orders. Upang hindi kami matambakan ng mga orders ay wala kaming ibang option kundi ang magpasok pansamantala ng pera upang i-process ang orders.
Dahil sa mga katulad na mga problema ay wala kaming options kundi magpasok ng personal money o dagdagan ang aming kapital. Ito din ang dahilan kung bakit mula sa 34,000 kapital ay lumaki ang aking naging kapital at umabot ng higit sa 129,000. Napansin ko rin na dati ay kumikita ako ng 10,000 daily mula sa aking mga affiliate sales, subalit noong Unang araw at lingo ng Agosto ay hindi pa umaabot sa 500 ang pumapasok na kita ko sa affiliate sales. Nakakadismaya ang ganitong mga pangyayari kaya naman unti-unti akong naging parang kontrabida sa kumpanya. Dahil bawat problema o gliches ng system ay hindi tumatagal ang ilang minuto at itinatawag ko ito sa mismong kumpanya at ang gusto kong kausap ay si Joseph Ty.
May mga pagkakataong nakikipagsigawan ako at nasisigawan ko si Joseph Ty dahil hindi ko gugustuhing ipagwalang-bahala at hindi pansinin ang mga dinudulog kong mga problema. Dahil sa dami ng mga affiliates ko ay kataka-takang wala man lang akong kinikita mula sa aking affiliates sales. Ibig sabihin, marami sa aking mga affiliates ang hindi dumadating sa kanilang wallet balance ang kanilang mga produktong inabono sa mga buyers.
Ilan lamang ito sa mga naging mga problemang kinaharap ng Sellers. Dahil sa dami ng mga affiliates na umaasa sa akin ay kinailangan kong maging proactive sa mga problema at ako ang naging tulay ng mga affiliates ko upang maiparating sa management ng Seataoo ang kanilang mga problema. Dahil sa concern ko sa aking mga affiliates ay marami ang nagtitiwala sa akin dahil nakakaya kong solusyunan at sasgutin ang ilan sa kanilang mga problema, nasasagot ang ilang katanungan. Nais kong lahat ng aking mga affiliates ay kumita din gaya ng aking mga kinikita.
Tumagal pa ang ilang linggo subalit hindi pa rin nareresolve ang problema ko sa mga expected income ko from my affiliate sales. Naging mas lalo akong mapagmasid at naging malikot ang isipan. Hiningi ko ang kopya ng aking aking mga affiliates. To my surprise ay mula sa higit isang 500 direct affiliates ay 79 na lang ang lumalabas na mga affiliates ko.
Sinabihan ko talaga ang aking Account Specialist kung paano Nawala sa aking umbrella ang halos o higit 65% ng aking mga affiliate. Iyon ang dahilan kung bakit Nawala at nabawasan ang aking kinikita dahil napunta ang mga affiliates ko sa ibang mga Account Specialist. Hindi ito makatarungan, ako ang nagpakahirap na turuan ang mga affiliates ko ng iba’t-ibang strategy upang kumita ng mabilis dahil sa paggamit ng analytics.
Nagkaroon pa ng iba’t -ibang mga problema ang System ng Seataoo. May mga kinuwestyon tayong mga perang bumabalik sa ating Wallet Balance. Ang ilan ay hindi tumutugma. Ang ilang ay kulang sa inaasahang babalik mula sa ating Freezing Money. Delayed deliveries ng mga produkto patungo sa mga buyers.
- Kulang ang bumabalik mula sa Freezing Money.
- Nawawalan o nababawasan ang bilang ng mga affiliates.
- Delayed deliveries of products to the buyers.
- Delayed withdrawals
- Error 404
- Pasado sa Evaluation pero biglang bagsak kinaumagahan.
Ilan lamang yan sa mga hindi makakalimutang problema o glitches na naranasan ng mga Sellers na napagdaanan ko rin. Early September of 2023 ay ipinakilala ng Seataoo ang CEO na si Widiana Chen at ito ay ininterview ni RJ Ledesma. Maraming nakapansin sa Interview at tila marami ang hindi humanga dahil sa hindi nagma-match na mga kasagutan nito subalit hindi na ito binigyan ng pansin ng marami dahil na rin sa kumikita naman ang marami. Dalawang linggo pa ang lumipas, nabalitaan ng marami na maraming mga AS ang tinanggal at na-demote sa trabaho kasama na rito ang aking AS na si Ms. Jheremy. Sa panahon ni Widiana Chen nag-umpisa ang pagbabago sa processing rate ng store na mula 65% bawat evaluation period ay ginawang 55%, naglagay din ng 7 days Vacation upang hindi madagdagan ang store orders. Nagbago din ang profit sa mga produktong ibinibenta na mas lalong nagbigay ng malaking atensyon sa lahat ng mga sellers. Kung nais maging mabilis ang kita ay pipili lamang ng produktong may 12%, subalit kung hindi kaya ay walang magagawa kundi maghintay lumali ang pera. Dahil sa pagbabagong ito ay muling umingay ang Seataoo at maraming sellers ang nagalit kay Widian Chen. May mga ilang problema din kasi ang naranasan ng mga sellers, katulad na lamang ng mga penalty kahit na passado naman sa Processing Rate. Kapag hindi binayaran ang penalty ay hindi ka makaka-withdraw.
Mula ng maalis sa kumpanya si Jheremy ay wala ng AS ang nagnanais na hawakan ako dahil na rin sa behavior na ipinapakita ko. Bagama’t kumikita sa kumpanya ay naging mapag-matyag ako at talagang lalong naging mapanuri.
Pinag-aralan ko ang aking dashboard. Ang aking kinikita, ang aking store. Gumawa ng excel tracker upang mabantayan ang lahat ng mga activities ng aking store kung may kulang ba sa perang bumabalik, kung hindi ba nagma-matach ang profit, kung nadeliver ba sa tamang oras ang mga orders na aking prinocess. Dahil na rin sa aking ginawang tracker, marami sa aking mga sellers o affiliates ang gumamit at nanghingi ng tracker. Kahit hindi ko affiliates ay naisipang hingin ang excel tracker na aking ginawa. Marami ang natuto at kumita dahil sa tracker na ito.
Bukod sa tracker, sumulat ako ng notebook na naglalaman ng mga TIPS and STRATEGIES upang mas maging maganda ang performance ng bawat store. Upang magkaroon ang mga sellers ng idea at iba’t ibang pamamaraan upang mapabilis ang kanilang kinikita. Mga Tips and Strategies na katulad ng compounding capital. Ang mga strategies na ito ay aking ginamit bago inilagay o isinulat sa notebook.
Mula noon ay wala ng masyadong ma glitches o mga problema. Minor problems na Pwede namang hindi na pansinin dahil ang mahalaga ay kumikita naman.
Understanding the Seataoo Process
During my visit, Jeremy explained the entire process:
- Creating a Seller Account: Complete all required details, including the withdrawal tab and proof of identity, and wait for system approval.
- Receiving and 55% Processing Orders: Once an order is received, recharge the store wallet with the amount needed to buy the item from the supplier. Seataoo picks up the order from the supplier and delivers it to the customer.
- Earnings and Profit: After delivery, the seller’s money, along with the profit, is credited back. The process typically takes 17 to 20 days.
Ang unang step upang maging seller sa Seataoo ay gumawa ng Seller’s Account. Kumpletuhin ang lahat ng impormasyon at detalyeng kailangan katulad na lamang ng paglalagay ng totoong pangalan, identification card or ID para sa ating pagkakakilanlan. Kumpletuhin din ang Bank Settings upang doon papasok ang bawat withdrawals.
Kapag Nakagawa ka na ng Seller’s Account ay maglalagay ka ng produkto na nais mong ilagay o ibenta sa iyong store account. Mamimili ka lamang sa product warehouse. Sa product warehouse ay nandoon ang lahat ng mga produktong Pwede mong ibenta. Pagkapili ng 10 hanggang 20 produkto ay maghihintay na lamang ng mga papasok na orders.
Kapag may orders na ay maglalagay o magdedeposit ka ng pera sa wallet balance mo. Idedeposit mo ito sa bank account ng SEATAOO at ilang Segundo lamang ay magrereflect na ito sa wallet balance mo. Kung nasa Wallet Balance na ang pera mo ay maaari mo ng iprocess ang mga orders na natanggap ng store mo. Kapag nag-process ka ng orders ay saka ka pa lamang kikita mula sa produktong ibinibenta mo.
Kung gumawa ka ng account at nagpasok ng pera sa wallet balance subalit hindi mo ginamit to process orders ay maaari mo namang mawithdraw ang pera mo. Hindi rin ito tutubo kung nasa Wallet Balance lamang. Sa madaling salita, kikita ka lamang kung nag-process ka ng orders sa store mo.
The 3% Affiliate Commission
One aspect of the business that needed clarification was the 3% commission for inviting new sellers. This commission was a reward from Seataoo and not deducted from the affiliate’s earnings. It was meant to incentivize sellers to grow the network. Halimbawa: Ako ang direct seller at dahil na rin sa aking karanasan at ipinapakita sa aking social media kung paano ako kumikita, marami ang nagkakainteres na pasukin na rin ang pagiging seller ng Seataoo. Ang ilan ay ginamit ang referral code ko, ang iba naman ay sa ibang mga artista, endorsers, sellers at MJ Lopez.
Kung ang isang indibidwal ay gumawa ng Seller’s account at ginamit ang Referral Code ko, automatically siya ay magiging direct affiliate ko. Kung Direct Affiliate ko ay nagpasok ng pera sa kanyang wallet balance at nag-umpisa siyang magprocess ng produktong may 7% profit o marked-up, buo niyang makukuha ang profit na 7% sa produktong kanyang prinocess.
Sa madaling salita, ang 3% na nakukuha ko bilang root seller ay ibinibigay ng Seataoo sa akin as a reward. Buong makukuha ng affiliate ang kanyang profit.
Troubles with the Platform
Despite understanding the process, technical issues with the website persisted, though they were usually resolved quickly. However, the biggest shock came on June 10, 2024, when the Securities and Exchange Commission issued a Revocation Order against New Seataoo Corporation. The order cited the company for soliciting investments and running a Ponzi-like scheme, particularly linking the 3% commission to such activities.
Aftermath and Legal Actions
Following the revocation, Seataoo’s operations were severely impacted as logistics partners, suppliers, and banks withdrew their support. This led to the cessation of its operations, leaving thousands of sellers, including myself, with pending funds on the platform.
In response, we are now filing this letter para malinawan at humingi ng wastong gabay kung paano namin makukuha ang aming mga pera na nabinbin sa platform. Isang maayos, praktikal at mabilis na proseso ng disbursement ang aming idinudulog sa ahensya.
Dahil sa kahirapan ay hindi namin kaya ang kumuha ng isang abogado dahil alam naman naming masyadong magastos ang dumaan pa sa husgado gayong kaming mga Sellers ang nasa gitna. Wala kaming alam sa usaping legal at ito ay ipinauubaya namin sa Securities and Exchange Commission. Your intervention is very important bilang isang regulatory body. We are seeking for your intervention na sana ay maisaayos ang disbursement or withdrawals ng aming mga pera.
Sana ay magkaroon kayo ng maayos na pag-uusap ng SEATAOO at mapag-usapan kung paano ang magiging proseso ng disbursement. Yung Disbursement na manggagaling mula sa mga bangko ng SEATAOO at dadaan sa system ng SEATAOO patungo sa mga Seller’s Bank Account na naka-register sa platform. This process is more secure and seamless as long as SEC will provide clear guidelines to different banking institutions to allow SEATAOO disburse the money DIRECTLY to Seller’s Bank Account.
https://www.youtube.com/watch?v=T_jGZAsiFcs
Thanks Prof Vincent , hope our funds will be disburse back asap as we all know that this is our hard earned money , especially we as ofw and returned back to Phil, na alam at inaasahan namin na ito n ang sandigan while taking care our family naman…