Let’s Put This In This Context: Identifying the Right and Correct Context of a Claim

Ang SEATAOO ay isang E-Commerce Platform na gumagamit ng Dropshipping Business Model na pinapatakbo ng mga HINDI kilalang personalidad. Sa madaling salita ay walang mukha ang SEATAOO. Sa loob ng mahigit isang taon ay maasyos nating napapatakbo ang ating mga store. Kumikita tayo ng malaki at patuloy na nakapagwiwithdraw ng walang kumukwestyon. Dahil sa ganitong sitwasyon at pangyayari ay hindi tayo nag-isip at hindi natin tiningnan ang backend operation ng SEATAOO. Bagkus ay minahal natin ito at sa tiwalang naibigay natin ay kinalimutan natin ang mga negatibong sinasabi tungkol sa kumpanya.

June 10, 2024, naglabas ng REVOCATION ORDER ang Securities and Exchange Commission. Dito nag-umpisa ang kalbaryo ng lahat ng mga Sellers na hanggang sa ngayon ay tikom ang bibig ng dalawang panig – SEC vs. SEATAOO.

Technically, ang na-revoke ay ang lisensya ng SEATAOO. Ang Authority to Operate ay nilimitahan sa pamamagitan ng pagbawi sa kanilang REGISTRATION. Meaning, hindi naman pinasara ang SEATAOO. Binawi at inalis lamang ang REGISTRATION nito sa Securities and Exchange Commission.

Kung HINDI Sang-Ayon ang SEATAOO sa REVOCATION ORDER

Kung hindi sang-ayon ang SEATAOO sa REVOCATION ORDER, Dapat sila ang gumawa ng hakbang upang tutulan at pasinungalingan ang paratang ng Securities and Exchange Commission. Dapat ay kasinungalingan ng Seataoo na sila ay isang INVESTMENT COMPANY. Patunayan nilang hindi sila nag-so-solicit o nanghihingi ng pera in the form of an investment na gaya ng SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION (SEC).

Hindi po SELLERS ang binigyan o pinatawan ng REVOCATION ORDER at hindi po sa atin ang SEATAOO o ang Negosyo ng SEATAOO kaya kahit anong ingay ang gawin natin ay hindi tayo papakinggan ng mga ahensya o kahit ng anong Media Platform.

Kung mapapansin ninyo, ang sagot lagi ng SEC ay iisa ang ibig sabihin o sinasabi nila:

Aming nirerespeto ang inyong personal na opinyon sa aming inilabas na
Revocation Order. Ngunit ang Revocation Order na inilabas ng Komisyon ay malinaw at
doon nakayahag ang ginawang aktibidad ng SEATAOO na naging basehan ng nasabing
Revocation Order.

Maari po kayong makipagusap sa isang abogado kng hindi kayo sangayon sa
nasabing Revocation Order. Kayo din po ay malayang makipagugnayan sa Seataoo kng
gusto ninyo maisama sa kanilang Appeal ang inyong kaalaman o pagkakaintindi sa batas
na aming pinapatupad.

Ibig sabihin, bilang odinaryong sellers ay wala tayong magagawa upang ipagtanggol o ikatawan ang SEATOO sa kanilang naging decision. Magkakaroon lamang tayo ng boses at pakikinggan lamang tayo ng SEC. Iintidihin ang ating saloobin at papakinggan ang mga sasabihin kung ang ating salaysay ay maipaparating at maisasama sa apela ng SEATAOO.

Reading Between the Lines: The Context of the SECs Feedback

Ang konteksto sa mga response ng SEC ay iisa lamang. Tayong mga Sellers ay biktima ng SITWASYON. Kahit ilang beses tayong sumulat at dumulog sa SEC and other agencies ay WALA tayong BOSES at hindi tayo pakikinggan. Kung mayroon po man pong dapat gumawa ng aksyon, ito ay ang SEATAOO.

Registration po ng SEATAOO ang ni-revoke at hindi tayong mga sellers, therefore dapat gumawa ng paraan ang SEATAOO upang ipagtanggol ang kanilang kumpanya sa mga alegasyon at naging assessment ng Securities and Exchange Commission.

Binigyan ng Securities and Exchange Commission ang SEATAOO ng ilang panahon o higit pa nga kung tutuusin na sagutin at mag-comply sa kanilang mga hinihinging dokumento, subalit isang salita lamang ang ating nalalaman at hindi natin alam kung ang apela ba ng SEATAOO ay represented by a LAWYER or hindi. Malinaw sa Revocation Order na inilbas ng SEC, hindi notaryado ang isang dokumento na isinumite ng Seataoo sa kanilang tanggapan.

Sa madaling salita, dahil REGISTRATION ng SEATAOO ang ni-REVOKE, dapat sila ang gumawa ng paraan upang ipagtanggol ang kanilang kumpanya.

 

Ano ang ginawa ko After Receiving the Letter Feedback from SEC?

Upang walang masabi ginawa ko ang sinasabi ng SEC na makipag-ugnayan sa SEATAOO upang maisama ang aking Statement sa kanilang apela sa SEC.

Through the Seataoo Account Specialists ay ipinaabot ko ang aking kagustuhang makatulong sa SEATAOO. Magtataka kayo kung bakit ganyan ang unang salita ng Account Specialist.

“Good day, Sir Vincent. We are currently preparing a proposal to obtain a permit from the SEC. Our management and legal team would like to formally request the permit from the SEC.

Could you kindly provide us with the necessary contact details, preferably an email address, and also could you suggest the content for the email that should be sent? We would like to ask our sellers to sent an email to the SEC regarding how our e-commerce platform touches the hearts of many Filipinos and helps them with their financial needs.”

What does that mean? Inihahanda nila o nagpe-prepare ang SEATAOO ng kanilang APELA o PROPOSAL upang humingi ng PERMIT sa SEC? Hindi nila alam kung saan magsa-submit ng email? Hindi nila alam ang kanilang sasabihin? Most importantly, WE SELLERS we’re ask to provide an EMAIL or STATEMENT in favor of the SEATAOO?

Matapos kumita at makinabang sa SEATAOO ay naging kalaban!

Sa maniwala man kayo at sa hindi ay ginawa ko ang lahat ng dapat kong gawin para pagbigyan ang bawat panig. Hindi ko naman kinalaban ang SEATAOO at talagang ipinaglaban ito sa loob ng halos dalawang buwan. Kinundena ang mga akusasyon at sinasabi ng mga grupo ni Ciemny Aniol.

Kinuwestyon ko ang mga lapses ng Securities and Exchanges Commission upang ipagtanggol ang SEATAOO, subalit wala akong nakitang pag-appreciate mula sa SEATAOO. Hindi man lang ako nakatanggap ng kahit email ng pasasalamat o pag-acknowledge sa aking ginawang tulong.