Ayon sa Grupo ni Ciemny Aniol o ng Anti-Scam Advocate, Hindi lahat ng SEC Registered ay mga LEGAL Company.

Ang tanong, Ano na lang ang LEGAL Companies sa kanila?

FOR THE SAKE OF FAIR AND BALANCE DECISION

 

Nais ko lamang malaman ang saloobin ng marami at kung ano ang nasa inyong isipan at paniniwala.

Hindi na po maganda ang mga nangyayaring ito dahil sa tayong mga sellers ang naiipit sa dalawang nag-uumpugang bato dahil tayo rin naman ang may dahilan. Ito ay dahil sa ating pagkakaroon ng magkakaibang pananaw at paniniwala.

Noong mga naunang linggo ay binigyan natin ng labis na pagtitiwala ang New Seataoo Corporation. Kinondena ang mga lapses ng Securities and Exchange Commission.

 

Mga PAGTATANONG SA HAKBANG NG SEC

Kinuwestiyon natin ang pagbibigay ng SEC ng malaking atensyon sa grupo ni Ciemny Aniol o ng anti-Scam Advocate. Inurirat kung validated ba ang reports na natanggap ng commission. May sapat bang basehan ang mga paratang ng kanilang grupo sa Seataoo. Who are their witnesses and how reliable they are or their source. How do they gathered and compiled their evidences.  Paano nila ipinadala ang kanilang liham o reklamo. Sapat ba ang ordinaryong liham lamang o it should follow correct or legal process kung may mga irereklamo.

May tamang guidelines sa pagkuha ng mga screenshots o screengrab bilang mga ebidensya at ang mga ito ay aking isinulat sa nakaraang article.

I-click ang link na ito o ang image para malaman ang mga guidelines sa pagkuha ng mga screenshots as an evidence

Bukod sa paglalahad ng mga pamamaraan ng pagsusumite ng mga reklamo ay kinuwestyon din natin ang ilang mga pangyayaring ginawa ng Securities and exchange commission.

  1. Bakit binigyan ng license and authority ang SEATAOO?
  2. Verified at may due diligence o probity check bang ginawa sa mga taong magpapatakbo ng kumpanya mula Incorporators, and Directors.
  3. Ano-ano ba ang mga documents presented to them by the company?
  4. Ano-ano ba ang mga dokumentong pagkakakilanlan ng mga tao sa likod ng kumpanya? Mayroon bang passport, Birth Certificate, Etc.
  5. Bakit pinatagal at tumagal ng halos dalawang taon ang Seataoo na usually ay 3 months lamang ang tinatagal ng kumpanya kung mapatunayang SCAM ito o gumagawa ng hindi naayon sa Articles of Incorporation.
  6. Bakit walang kinausap na representative ng mga sellers ang SEC para mabalanse ang mga pananaw at mga reports na isinumite ng Anti-Scam Advocate.
  7. Tila naging maluwag ang SEC sa grupo ng Anti-Scam Advocate at hindi dumaan sa legal process ang kanilang report. Samantalang ang mga sellers ay kinakailangang maging formal ang mga gagawin at isusumite natin dahil merely letter ay hindi papakinggan at ikokonsidera.

Challenging SEC Decisions: No One is Above the Law in Regulatory Actions”

Ang FACE-TO-FACE CONFERENCE

Nitong lumipas na isang linggo ay may ilang Sellers ang inimbitahan ng SEC para sa isang Face-to-Face conference. Sa puntong ito ay nagkaroon na naman ng mga magkakaibang pananaw dahil sa ibinigay na Complaint-Affidavit ng SEC sa mga dumalo.

Kung iintindihing mabuti, ang mga nasusulat dito ay pawang 100% pumapanig sa Securities and Exchange Commission. Magkakaiba na naman ang naging paniniwala ng lahat dahil madidiin ng husto ang New Seataoo Corporation at tuluyang malilinis at mababalewala ang mga lapses ng SEC.

May ilang katanungan din ang lumabas kung sakaling panigan at gawin nating mga sellers ang Complaint-Affidavit. Ilan sa mga ito ay:

  1. Dahil sa FORMAL na hakbang, magkakaroon na ng pangil at gagana na  ang mandato ng SEC. Ano ang kasiguraduhan nating mga Sellers na makukuha pa natin ang ating mga pera.
  2. Dahil baka maglabas ng FREEZE ORDER ang AMLAC o BSP at tuluyang mawawalan ng karapatan ang SEATAOO na ma-disburse o maibigay sa atin ang ating mga pera. Gaano kaya magiging totoo ang Gobyerno KUNG may mga FINANCIAL ASSETS ba silang nahawakan o na-FREEZE. Baka sa huli ay sabihin nilang WALA ng PERA dahil matagal na namin kayong hinihintay na magreklamo. Naitakbo na ng SEATAOO ang inyong mga pera.
  3. Ili-liquidate nga ba talaga ng SEC o Gobyerno ang ating mga PERA?

 

Dahil ayaw nating mabalewala at kalimutan nalang ng basta-basta ang mga LAPSES NG SEC, ay hindi umusad ang reklamo at natigil na.

Lumalabas na ang PURPOSE NG COMPLAINT-AFFIDAVIT ay naghuhugas kamay ang SEC. Para bang Gusto nila tayong tulungan matuldukan na ang lahat ng mga tanong PERO, huwag nyo ng kwestyunin ang aming mga naging past decisions.

Sinagot at kinontra din natin ang inilabas na REVOCATION ORDER ng SEC at ipinaglaban ang SEATAOO.

 

ANG MGA LAPSES NG SEATAOO

Nitong mga nakaraang linggo ay pinag-aralan ko ang mga LAPSES naman ng SEATAOO.

  1. Dummy ba ang mga Incorporators?
  2. Nasaan na si Widiana Chen?
  3. Bakit hindi nakilala at nagpakita si Dylan Lim.
  4. Nasaan na nga ba si Noemi Lyn Crisol at Joseph Ty Metrado
  5. Bakit umalis si Chinkee Tan at pumalit ang isang Networker na si MJ Lopez
  6. Walang natupad sa mga Disbursement Schedule.
  7. Wala ring patunay na sila ay gumawa at nakipag-usap sa ibang mga bangko para sa maayos na disbursement plan.
  8. Isa pang nagpalito ay ang API na kung tutuusin ay ilang linggo lamang ang approval nito. (14 Days sa PAYMONGO)
  9. Ang mga memo na hindi direktang galing kay Dylan.
  10. Mga pampakalmang Memo o announcement.
  11. Mga dahilan katulad ng mga paghihigpit ng mga bangko at pagsosole ng ating mga pera na wala namang matinding pruweba.
  12. Anong gateway o medium ba ipinapadala ang mga sahod ng mga Empleyado. Hindi ba ganitong medium o pamamaraan na rin ang gawin para sa Disbursement?

 

Nitong nakalipas na LINGGO, nagkaroon ng Discussion with LAWYERS at sa kataka-takang biglang nagkaroon ng Disbursement Plan sa ating PROGRESS REPORT na hindi naman talaga nangyayari every sunday.

During the Discussion ay may nagtanong na kung sakali bang magbigay ang SEATAOO ng pera, ay itutuloy ba ang Reklamo? Dahil sa UNANYMOUS DECISION na ituloy ang Reklamo ay tila ba nakatunog ang SEATAOO na hindi na kayang patahimikin ang mga SELLERS – Nag-shot down ang Website at Application.

Kahapon ay may lumabas na pakalmahin daw ang mga Sellers dahil nahihirapan ang SEATAOO sa pag-proseso ng Disbursement. Lumabas ang “CALM DOWN” movement kahapon at ginamit ng SEATAOO ang salitang dahil sa reklamo ay nahihirapan ang bangko o ang mga tao ng Seataoo sa Disbursement.

 

ANO ANG MASASABI NINYO?

  1. Dapat pa ba nating bigyan ang SEATAOO ng PANAHON?