POSSIBLE SOLUTIONS OR ACTIONS TO DISCUSS

Inilabas ng Securites and Exchange Commission ang Revocation Order without any order from their end. Walang nakalagay o nakasulat na salita o kautusan na habang hinihintay ang apila ng SEATAOO ay ibalik muna ang pera natin dahil wala naman tayong paki-alam sa usaping legal at mga technicalities. In other words, problema nilang lutasin at pag-usapan ang namamagitang conflict sa pagitan nilang dalawa.

Kung sigurado ang SEC sa kanilang Assessment na gumagawa ang SEATAOO ng PONZI Activities, na nagso-solicit ang SEATAOO ng pera in the form of INVESTMENT, sana ay Closure order na ang inilabas nila at ipinag-utos na sa SEATAOO na ibalik ang pera ng mga Sellers. Pero bakit hindi ganoon ang kanilang inilabas o sinabi sa Revocation Order?

Hindi sila sigurado sa kanilang naging assessment at wala silang matibay na ebidensya na ang Seataoo ay gumagawa ng Ponzi Scheme Activities kaya kung mapapansin natin ang term na ginamit ng SEC ay “PONZI-LIKE” scheme Activities. Pangalawang napansin ko dito ay ang sinasabing nanghihingi o nagso-solicit ang Seataoo diumano ng Pera in the form of an investment, ngunit walang nakalagay or screenshot ng ebidensya o pruweba na nanghihingi nga ang Seataoo. Isa pang naging palaisipan sa akin ay malinaw na sinabi ng SEC sa Revocation ay “Based on the Reports we received”. Ibig sabihin, pinagbasehan ng SEC ang reports or email o sulat na hindi naman authenticated o hindi naman formal complaint at lalong hindi galing sa mga taong hindi naman connected o hindi naman na-scam ng SEATAOO. Bakit sila nakinig sa Report samantalang tayong mga legitimate SELLERS ng SEATAOO ay ine-encourage tayong magsampa ng formal complaint. Dapat ay naglabas sila ng REVOCATION ORDER at inilagay doon ang isang kautusan na isole ang pera natin habang inaayos ng SEATAOO ang APPEAL nito.

BAKIT INEENCOURAGE TAYO NG SEC NA IREKLAMO ANG SEATAOO

Sa isang pagkakataon na kung saan ay isang seller at ilang guest ay inimbitahan ng SEC upang magkaroon ng Face-to-Face conference. Sa kanilang pag-uusap ay nagbigay ng idea ang SEC na mag-file na daw ng formal complaint against New Seataoo Corporation. Binigyan nila ng formal template ang mga pumunta sa conference.

Malinaw ang intensyon ng SEC na nakasulat sa Complaint-Affidavit na dapat ang mga Seller ay magsampa ng formal na complaint at idemanda at ireklamo ang SEATAOO na para bang gusto nilang mag-isip, maglabas ng mga ebidensya at gumawa ng paraan ang mga sellers na patunayan at sabihing SCAM ang SEATAOO. Isang bagay na mahirap patunayan dahil bilang seller, papano natin mapapatunayan na nanghingi sa atin ang SEATAOO, papano tayo na-scam ng SEATAOO at marami pang ibang magdidiin sa SEATAOO.

KAMPIHAN NATIN ANG SEC: ANONG MANGYAYARI?

Kung sakaling gawin natin ang mga sinasabi ng SEC at madidiin ang SEATAOO. Maglalabas gn korte ng Garnishment Order na kung saan ay kikilos ang AMLAC, at BSP upang i-freeze ang lahat ng monetary and equipment assets ng SEATAOO. Ibig sabihin, tuluyang mawawalan ng karapatan ang SEATAOO na mahawakan at makuha ang pera nito.

Magiging HONEST kaya ang Gobyerno na may mga Monetary at ibang assets pa ang SEATAOO na kanilang nahabol? Hindi kaya sa bandang huli ay sabihin nilang, ginawa namin ang lahat. Tinulungan namin ang mga SELLERS, subalit huli na ang lahat. nakuha na ng SEATAOO ang kanilang pera. Therefore, wala na kaming maliliquidate.

Dahil sa ganitong sitwasyon, malilinis ng tuluyan ang pangalan ng kanilang ahensya at hindi na matatanong pa o makukwestyon katulad ng mga sumusunod:

  1. Bakit nila binigyan ng license to operate ang SEATAOO?
  2. Bakit hindi nila sinuri ang mga dokumento na isinumite ng SEATAOO.
  3. Bakit hindi nila vinerify ang mga legitimacy at katotohanan sa mga incorporators?
  4. Wala bang hinging passport, birth certificate para malaman kung legit ang mga tao.
  5. Bakit tumagal ang kumpanya ng halos dalawang taon.

 

MY SUGGESTION THIS SUNDAY?

Bagamat may nakikita akong pagkakamali sa Seataoo at una nga rito ay hindi natin kilala ang mga totoong tao sa likod ng kumpanya, sinasabing dummy ang mga incorporators, ayaw makipag-usap o sumagot ni Dylan Lim, ayaw din lumabas ng HEAD ng Seataoo na si Ivander Flores upang magsalita sa publiko.

Ayaw ko rin idiin ang SEC dahil sa mga bagay o lapses sa kanilang parte gaya ng lamang ng bakit nila pinayagan ang operasyon ng SEATAOO? Bakit tumagal ng almost 2 years, bakit hindi vinerify ang mga incorporators.

1. Quit Claim – Ang aking idea sa Quit Claim ay hilingin natin sa korte or sa SEC na kausapin o utusan ang SEATAOO na isole ang ating mga pera. Hindi tayo magsasampa ng reklamo against SEATAOO, basta isole lang nila ang pera natin na parang QUITS.

2. Motion for Reconsideration – Hihilingin natin sa korte o kaya sa SEC na i-modify o mag-append ng additional clause sa kanilang Revocation Order na ipag-utos nila sa SEATAOO na habang may nakasampang appeal ang SEATAOO sa SEC ay isole ang pera ng mga Sellers. Sa ngayon kasi ay kulang ang laman ng revocation order at wala man lang proteksyon ang mga sellers at wala ding direksyon ang mga sellers kung ano ang dapat gawin habang naghihintay tayong ma-resolve ang anumang conflict sa kanilang dalawa.