Dear Sellers,

Ating timbangin ang mga pangyayari at intindihin ang mga nangyayari before and after the revocation order.

THE TRUST

Bago ang Revocation Order ang lahat ay masaya at kumikita. Walang dehado at ang lahat nakangiti. May nakitang pag-asa na baka ito na ang sagot at solusyon sa kahirapan. Ang mga unang sumubok ay lalong tumitindi ang pagtitiwala kaya naman habang tumatagal ay mas tumitibay ang pagtitiwala. Kaakibat ng tiwala ay ang walang pag-aalinlngang gumastos ng malaki dahil sa buong tiwalang babalik ang pera ng mabilis at mas malaki. Ang iba ay gumamit ng compounding capital strategy upang sa bawat period of time na bumabalik ang kapital ay mas malaki o doble ang magiging kapital na mapapaikot.

Mula sa mga naging brand ambassadors katulad ni Mr. Chinkee Tan, MJ Lopez, mga kilalang artista o celebrity hanggang sa mga naunang mga Sellers noong October 4, 2024 ay unti-unting nakilala ang Setaoo. Maging mga doktor katulad ni Dr. Kilimanguru ay ipinakilala ang Seataoo, at iba pang mga Vloggers ay hindi pinalampas ang Seataoo.

 

THE EFFORT OF SELLERS

Ang iba ay sinikap na ipasa ang mga at gawin ang lahat upang maging maayos ang performance ng kani-kanilang mga Stores, kung kailangang dagdagan ang capital upang maipasa ang mga requirements katulad ng processing rate ay ginagawa ng marami kesehodang ipangutang nila ito upang hindi masayang ang oras at hindi magkaroon ng penalty.

Ang iba naman ay ipinikit na lamang ang mga penalty tuwing evaluation at hinintay na lumaki ang kanilang puhunan dahil magkaroon man ng penalty ay may kita pa rin namang 6% mula sa mga produktong ipinoproseso.

 

MGA PROBLEMA at mga GLITCHES

Hindi maikakaila na over the past few months ay dumaan ang platform sa iba’t ibang uri ng mga glitches at mga problema na may kinalaman sa delayed return of money dahil sa tagal ng delivery ng mga produkto. Nagiging maayos naman ang kinakalabasan.

 

JUNE 10, 2024

Sa araw na ito nagkaroon na ng mga sunud-sunod na problema. Naglabas ng REVOCATION ORDER ang SEC.

 

THE SURVEY

Click the Survey to show your support sa claim natin